• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KISSES, pumasok sa Top 10 pero hindi na pinalad sa Magic 5 ng ‘Miss Universe Philippines’

HINDI pinalad makapasok sa Magic 5 ng Miss Universe Philippines search si Kirsten Danielle Kisses Delavin.

 

 

Hanggang Top 10 ang beauty ng dalaga who represented Masbate.

 

 

Dapat sana ay kinunsulta muna ni Kisses ang imaginary mirror ng award-winning talk show host na si Boy Abunda at baka may magandang sagot siya na makuha from it.

 

 

Mahirap lang sagutin kung may balak pa si Kisses na sumali muli sa isang beauty pageant.

 

 

If you recall, three times sumali sa Bb. Pilipinas si Pia Wurtzbach bago siya nagwagi and was eventually crowned Miss Universe 2015.

 

 

Baka naman hindi pa ito ang tamang  panahon for Kisses. Baka may ibang plano ang universe for her.

 

 

Marami rin ang hindi satisfied with the way the Miss Universe pageant was conducted. Ang wish nila ay sana maibalik na lang muli ang Miss U franchise sa Binibining Pilipinas para manumbalik ang dating brillo nito.

 

 

***

 

 

MAY season 4 na ang The Clash, ang singing contest ng GMA Network pero sad to say wala pa silang napasikat nang bonggang-bongga sa three winners nila.

 

 

Magaganda naman ang mga bosses nina Golden Cañedo, Jeremiah Tiangco at Jessica Villaruvin pero bakit mailap ang swerte sa kanila?

 

 

Wala man lang silang mga hit songs na pwedeng ipagmalaki. Wala man lang tayong nabalitaan na nag-record sila ng album.

 

 

Nasaan kaya ang pagkukulang eh samantalang yung winners ng singing contest sa ABS-CBN ay may mga recordings naman. At may hit songs.

 

 

Kulang sa push sina Golden, Jeremiah at Jessica. Tapos may bagong edition na naman ang The Clash. Yung mga unang winners hindi umuusad ang careers.

 

 

***

 

 

TULOY ang Gabay Guro Grand Gathering via a virtual concert ngayong Sabado, 2 pm  sa Facebook at You Tube pages ng Gabay Guro.

 

 

Ito ang 14th year ng Gabay Guro at ayon kay Ms. Chaye Revilla, hindi sila tumitigil sa pagtulong sa mga guro despite the pandemic.

 

 

Now, more than ever, mas kailangan daw ng mga guro ang tulong since mas maraming challenges silang kinakaharap dahil sa pandemic.

 

 

Kabilang sa mga celebrities who will take part sa big event na ito ng PLDT ay sina Sharon Cuneta, Lea Salonga, Olge Algasid, Gary Valenciano, Jed Madela at ang mga young stars.

(RICKY CALDERON)

Other News
  • Sa ‘Responsableng Panonood Family and Media Summit’: Mayor JOY at Chair LALA, nagsanib-puwersa kasama pa si KORINA

    IDINAOS kahapon, June 27 ang Responsableng Panonood Family and Media Summit ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) para hikayatin ang mga pamilya na maging mapanuri sa paggamit ng media.       Ang summit, na ginanap sa Quezon City, ay dinaluhan ng mga kilalang personalidad, kabilang sina Quezon City Mayor Joy Belmonte, […]

  • PDU30, HINDI NAGMAMADALI NA IPAWALANG-BISA ANG VFA

    HINDI nagmamadali si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ipawalang-bisa ang Visiting Forces Agreement (VFA)ng Pilipinas sa Estados Unidos.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, maaaring i-postpone ni Pangulong Duterte para sa panibagong anim na buwan ang termination o pagtatapos ng VFA.   “That (VFA termination) has an option of being further extended by another […]

  • PBBM, ipinangalan at muling ipinangalan ang PNP camps, real properties sa mga dating police officers

    IPINANGALAN  at muling ipinangalan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 8 Philippine National Police (PNP) camps at real properties sa mga dating police officers na nagbigay ng huwarang serbisyo sa bansa at sa mamamayan.     Nagpalabas si Pangulong Marcos ng Proclamation Nos. 429 at 430 para sa dahilang ito, ayon sa Presidential Communications Office […]