• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Klase ng mga estudyante sa Navotas, sinuspinde

IPINAHAYAG ni Mayor Toby Tiangco noong Sabado na wala munang pasok ang lahat ng mga estudyante mula sa kindergarten hanggang college ng pribado at pampublikong mga paaralan sa Lungsod ng Navotas kahapon (Lunes, Marso 9, 2020).

 

Ito’y kasunod ng inilabas na update ng Department of Heallth (DOH) na may dalawang karagdagang kumpirmadong kaso ng COVID19 sa ating bansa. Sa ngayon, lima na po ang kumpirmadong apektado ng COVID19 at dalawa sa kanila ay Pilipino.

 

Ayon kay Mayor Tiangco, layon nito na maiwasan ang pagkalat ng nakamamatay na sakit na ito sa lungsod na kahit kinumpirma ng City Health Office na walang COVED19 sa Navotas ay kailangan nating mag-ingat.

 

Kailangan pong maging proactive tayo para maiwasan ang paglaganap ng sakit na ito. Ugaliin ang wastong paghugas ng kamay, tamang pag-ubo, at pag-iwas sa matataong lugar. Mag-ingat po tayo at sundin parati ang good hygiene at healthy lifestyle.

 

“Liliwanagin ko lang po, wala pong kaso ng COVID19 sa Navotas. Ang ginagawa po natin ay bilang preventive measure o para maiwasan ang sakit na ito,” ani Tiangco. (Richard Mesa)

Other News
  • Pagtaas sa presyo ng langis, gawin ng “staggered basis”

    MULING nanawagan ang Department of Energy (DOE) sa mga local oil firms na maghanap ng paraan na magpapagaan sa sunud-sunod na pagtaas sa domestic pump prices na makagiginhawa sa epekto na tumama sa mga consumers.     Ayon kay DOE Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, hiniling ng departamento sa mga kimpanya ng […]

  • Ads September 24, 2022

  • San Miguel umeskapo sa Blackwater sa overtime

    HINDI inasahan ng San Mi­guel na mahihirapan si­lang iligpit ang Blackwater.     Kinailangan ng Beermen ng extra period para lu­sutan ang Bossing, 110-107, at patuloy na solohin ang liderato ng 2022 PBA Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.     Umiskor si six-time PBA MVP June Mar Fajardo ng anim sa kanyang 25 […]