• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Knicks, wagi kontra Hornets sa kabila ng limitadong bilang ng mga player

PINATAOB ng New York Knicks ang Charlotte Hornets sa kabila ng limitadong bilang ng mga Knicks players.

 

 

Tinapos ng Knicks ang laban sa score na 111 -105 gamit ang 43.3 shooting percentage.

 

 

Siyam na player lamang ng Knicks ang available sa naturang laban at hindi nakapaglaro ang mga star player nito na sina Karl-Anthony Towns at Jalen Brunson.

 

 

Pinangunahan ni Precious Achiuwa ang naturang koponan sa pamamagitan ng kaniyang bigtime double-double performance: 20 pts, 16 rebounds.

 

 

18 points naman ang naging kontribusyon ng guard na si Miles McBride.

 

 

Sa kabilang banda, binuhat ni Brandon Miller ang Hornets gamit ang kaniyang 26 points at limang rebound sa loob ng 29 mins na paglalaro.

 

 

Naging malaking bentahe ng Knicks ang magandang depensa ng koponan at kumamada ng kabuuang 59 rebounds, 42 dito ay pawang mga defensive rebound.

 

Nagawa ng Knicks ang panalo sa kabila ng 18 3-pointers na ipinasok ng Hornets, gamit ang 36.7 3-point percentage.

Other News
  • Peralta, itinalaga ni PBBM bilang PNP OIC

    ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Lt. Gen. Emmanuel Peralta bilang officer-in-charge (OIC) ng Philippine National Police (PNP) kasunod ng pagreretiro ni Gen. Benjamin Acorda Jr.     “In the exigency of the service, and to ensure the continuous and effective delivery of service, please be informed that Police Lieutenant General Emmanuel Baloloy Peralta […]

  • Creamline diretso sa Finals

    MULING  humataw si op­po­site spiker Tots Carlos para buhatin ang Creamline sa 23-25, 25-19, 25-18, 25-15 pananaig sa Choco Mucho at angkinin ang finals berth ng Premier Volleyball League (PVL) Open Conference kahapon sa Mall of Asia Arena.     Nakalikom ang dating Uni­versity of the Philippines standout ng 23 points kabilang ang 19 attacks […]

  • Omicron cases sa Pilipinas umabot sa 1,153 matapos matukoy local ‘sub-variants’

    NAKAPAG-DETECT ang Pilipinas ng karagdagang 618 kaso ng mas nakahahawang COVID-19 Omicron variant infections dahilan para umabot na ito sa libu-libo, ayon sa Department of Health (DOH).     Bahagi ito ng painakasariwang batch ng whole genome sequencing na iniulat ng DOH, UP-Philippine Henome Center at UP-National Institutes of Health ngayong araw, kung saan nasa […]