• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Knights sa Finals; Red Lions humirit ng ‘do-or-die’

TINAKASAN ng No. 1 at nagdedepensang Letran Knights ang No. 4 Perpe­tual Altas, 77-75, sa Final Four para umabante sa NCAA Season 97 men’s basketball finals kahapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

 

 

Ito ang ika-10 sunod na ratsada ng Knights, nag­dala ng ‘twice-to-beat’ ad­vantage sa Final Four, ma­tapos ang 9-0 sweep sa elimination round.

 

 

Humataw si Rhenz Abando ng 24 points, 3 re­bounds, 2 assists at 2 steals, para sa muling pag­pa­sok ng Letran sa best-of-three championship series.

 

 

Nag-ambag si Jeo Ambohot ng 14 points at 14 re­bounds, habang may 13  mar­kers si Fran Yu.

 

 

Ang three-point play ni Jielo Razon ang nagtabla sa Perpetual sa 71-71 sa 3:18 minuto ng fourth pe­riod.

 

 

Nagsalpak naman si Yu ng sarii niyang 3-point play para sa 76-73 abante ng Knights sa 2:21 minuto ng laro.

 

 

Matapos ang basket ngi Jeff Egan para sa 75-76 agwat ng Altas ay nag­ka­roon muli sila ng tsansang maagaw ang panalo kundi lamang naimintis ni Razon ang tangka niya sa 3-point line sa pagtunog ng final buzzer.

 

 

Tumapos si Razon na may 21 points kasunod ang 14 markers ni Egan.

 

 

Sa ikalawang laro, inilusot ng No. 3 San Beda Red Lions ang 73-67 overtime win kontra sa No. 2 Mapua Cardinals.

 

 

Pag-aagawan ng Cardinals, may ‘twice-to-beat’ edge, at ng Red Lions ang ika­lawang finals seat sa Mi­yerkules.

 

 

Bumangon ang San Be­da mula sa 10-point de­ficit sa fourth period para hu­mirit ng overtime sa likod ni Ralph Penuela.

Other News
  • Game 7 ng PBA Philippine Cup Finals tinunghayan ng 6.9 milyong viewers

    KABUUANG 6.9 milyong viewers ang tumunghay sa ‘winner-take-all’ Game Seven ng San Miguel at TNT Tropang Giga sa 2022 PBA Philippine Cup Finals noong Linggo.     Bukod pa ito sa 15,195 live audience na sumugod sa Smart Araneta Coli­seum para personal na saksihan ang 119-97 pagsibak ng Beermen sa Tropang Giga sa nasabing laro. […]

  • Ads August 31, 2023

  • TRAVEL BAN SA VIETNAM, POSIBLE

    PINAG-AARALAN kung  magpapatupad ng travel ban sa Vietnam upang maiwasan ang magpasok ng sinasabing hybrid variant .   Pero ayon kay  Health Usec Maria Rosario Vergeire, hindi pa puwedeng pangunahan dahil kailangan pang iberipika at wala pang sapat na ebidensya na ang nasabing variant na kombinasyon ng India at  UK variant .   Ayon pa kay […]