Knockout asam ni Jerusalem
- Published on September 23, 2024
- by @peoplesbalita
NATUPAD na ang pangarap ni Filipino world boxing champion Melvin Jerusalem na lumaban sa harap ng kanyang mga kababayan.
Ang kulang na lamang ay ang kanyang panalo.
Idedepensa ni Jerusalem ang suot niyang World Boxing Council (WBC) minimumweight crown laban kay Mexican mandatory challenger Luis Angel Castillo sa Manny Pacquiao Presents: Blow by Blow ngayong gabi sa Mandaluyong City College.
Nangako ang 30-anyos na si Jerusalem (22-3-0, 12 KOs) na bibigyan niya ng magandang laban ang 27-anyos na si Castillo (21-0-1, 13 KOs).
“Knockout talaga ang gusto ko kapag nakakita ako ng pagkakataon,” wika ng tubong Manolo Fortich, Bukidnon.
Napasakamay niya ang WBC belt matapos talunin si Japanese Yudai Shigeoka sa Nagoya noong Marso 31.
Nauna nang nagkampeon si Jerusalem sa World Boxing Organization (WBO) minimumweight class matapos daigin si Japanese fighter, Masataka Taniguchi noong Enero ng 2023.
Ngunit matapos ang apat na buwan ay naisuko ito ni Jerusalem kay Oscar Collazo ng Puerto Rico via seventh round TKO.
“Napakasakit talaga ng nangyari doon, kaya ayoko nang maulit iyon ngayon,” ani Jerusalem.
Samantala, determinado si Castillo na agawin kay Jerusalem ang titulo para maiuwi sa Mexico.
“I know this is going to be a tough fight, but I know we will emerge victorious,” sabi ni Castillo.
-
Pagpaptupad ng solarization program, paiigtingin ng QC LGU
UPANG maibsan ang paggamit ng mga Non-Renewable Energy sa lahat ng city-owned buildings, hospitals at paaralan sa Quezon City ay palalawigin ng QC Local Government ang kanilang Solarization Program o ang paglalagay ng solar panels energy system sa lungsod. Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, ito ay sa pamamagitan ng paggamit ng […]
-
Ads January 27, 2023
-
Import at export ng mga produkto ng Unilever sa Russia, suspendido na rin
SINUSPINDE na rin ng kumpanyang Unilever ang lahat ng import at export ng mga produkto nito sa Russia. Ito ay bilang pakikiisa ng nasabing food and consumer giant sa panawagang tuldukan na ang kaguluhan sa pagitan ng Russia at Ukraine, kasabay ng pag-asa nito na mananaig pa rin sa huli ang kapayapaan, karapatang […]