• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Knockout: Donaire nasungkit ang WBC title vs French boxer Oubaali

Matagumpay na nasungkit ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire ang World Boxing Council (WBC) bantamweight title matapos patumbahin ang French boxer na si Nordine Oubaali.

 

 

Nanalo sa pamamagitan ng “knockout” ang Pinoy boxer sa California.

 

Hindi na nagawang depensahan ni Oubaali ang kanyang titulo nang pasadahan siya ng left blow sa ikaapat na round ni Donaire.

 

 

Bago nito, binigyan din ng Pinoy boxing champ ng left hook ang kalabang French boxer sa ikatlong round.

 

 

Si Donaire ang pinakamatandang boksingero na nakasungit ng bantamweight world title sa edad na 38-anyos.

 

 

Dahil dito, may pagkakataon na muli si Donaire na makipa-rematch sa World Boxing Association at International Boxing Federation bantamweight title holder na si Naoya Inoue ng Japan.

 

 

Kung maaalala, natalo ni Inoue si Donaire noong 2019 sa pamamagitan ng unanimous decision.

Other News
  • 7-milyong deactivated na botante, hinimok ng PPCRV na muling magpadala sa voters registration ng COMELEC

    Nanawagan ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa mga botanteng hindi nakaboto ng dalawang magkasunod na halalan, lumipat ng tirahan, nagpalit na ng pangalan o mga Overseas Filipino Workers na bumalik na ng bansa na muling magpatala sa kasalukuyang voters’ registration ng Commission on Elections.     Ito ang panawagan ni PPCRV Executive […]

  • PH handang makipagtulungan sa ibang bansa para sa rules-based order

    MULING  iginiit ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang kahandaan ng Pilipinas na makipagtulungan sa mga regional at global partners nito para sa isang rules-based order at maituloy ang pag-uusap sa mga hindi pagkakaintindihan.     Ginawa ni Romualdez ang pahayag nitong Huwebes sa pagsimula ng ika-31 Asia-Pacific Parliamentary Forum (APPF), kung saan ang Pilipinas ay […]

  • Tumanggap ng papuri sa Korean executive producer ng ‘Start-Up’: ALDEN at BEA, nagpapasalamat na nagustuhan ang Filipino adaptation ng hit series

    SURPRISED ang production team ng “Start-Up Philippines” nang tumanggap sila ng papuri mula sa executive producer ng 2020 hit Korean series na “Start-Up” na si Yu Sang-Won.       Kaya naman ipinalabas agad ito ng GMA Network sa ‘Chika Minute’ segment ng “24 Oras” last Tuesday, October 18.     Message ni Yu Sang-Won: “We […]