Kobe Paras kinunsinte ng UP
- Published on July 9, 2020
- by @peoplesbalita
Wala umanong balak ang University of the Philippines (UP) na parusahan o pagsabihan ang kanilang star player na si Kobe Paras matapos masangkot sa 5-on-5 pickup game na tahasang pagsuway sa pinatutupad na general community quarantine (GCQ) protocols ng gobyerno kaugnay sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Perasol hindi niya inaasahan na pag-uusapan ang isyu sa online sessions ng Fighting Maroons kaugnay sa ginagawa nilang individual training.
Tanging magagawa lamang umano nito ay paalalahanan si Paras na unahin ang kanyang safety lalo na at may health crisis.
Matatandaang pinagalitan sina Gilas pool members Thirdy Ravena at Isaac Go ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), habang sina PBA players Japeth Aguilar at Adrian Wong ay pinagmulta at inatasang sumailalim sa COVID-19 tests dahil sa paglahok sa 5-on-5 game sa isang gym sa Greenhills.
Inalis na umano ang video sa Instagram, pero may mga litrato na nagpapakita na kasama ni Paras sina Wong, Ravena at iba pang manlalaro sa gym na lumalabag sa social distancing guidelines.
Kahit umano pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ang professional basketball at football teams na magbalik sa ensayo, nanatiling bawal pa rin ang pickup games sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ.
Wala umanong rason para pagalitan si Paras kung si Perasol ang tatanungin.
“I know him as a very responsible person so I trust his judgment on whatever he decides to do,” ani Perasol. “If there’s a concern from me regarding that incident, it was all about his safety and not on him breaking any team rules.”
“It will probably come out in one of our conversations but I won’t ask about it. I may remind him to be more careful about his safety,” dagdag pa nito.
Isa si Paras sa mga sinasasandalan ng Maroons, kung saan may ikinamada itong average na 17.4 points, 5.7 rebounds, 1.9 assists, at 1.3 blocks sa Season 82, unang season nito sa UAAP
-
AMERIKANO, INARESTO SA MONEY LAUNDERING AT THEFT SA TAGUIG
NAARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang American national na wanted ng awtoridad ng US federal dahil sa money laundering at theft. Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang wanted na si Renato Rivera Cuyco Jr., 48, na inaresto ng mga ahente ng BI’s fugitive search unit sa isang […]
-
Kaabang-abang kung sinu-sino ang mag-uuwi ng tropeo: JED at OGIE, ilan lang sa eeksena sa Gabi ng Parangal ng ‘7th EDDYS’
SINU-SINO ang tatanghaling pinakamagagaling at karapat-dapat na magwagi sa pinakaaabangang The 7th EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd)? Nakaabang na ang lahat sa idaraos na Gabi ng Parangal para sa ika-7 edisyon ng The EDDYS o Entertainment Editors’ Choice na magaganap sa July 7, 2024, sa Ceremonial Hall ng Marriott […]
-
Ads September 25, 2021