Kobe Paras pass sa 3rd window
- Published on January 23, 2021
- by @peoplesbalita
Habang nag-commit na si Kai Sotto sa third window ng FIBA Asia Cup Qualifiers, hindi naman masisilayan sa aksyon si Gilas Cadets member Kobe Paras.
Walang darating na Paras sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna dahil nagpasya itong lumiban sa third window dahil sa personal na kadahilanan.
Ayon sa ulat, nagpaalam na ang University of the Philippines standout sa kanyang mga teammates gayundin sa miyembro ng coaching staff.
Huling naglaro si Paras noong Nobyembre sa second window ng qualifiers sa Manama, Bahrain.
Nagtala ito ng averages na 3.5 points, 5.5 rebounds, 2.0 assists, at 1.0 steals sa dalawang panalo ng Gilas Pilipinas kontra sa Thailand.
Sina Javi Gomez de Liaño, Dave Ildefonso, Justine Baltazar, Calvin Oftana, William Navarro at Kemark Cariño ang Gilas Cadets na kasalukuyang nasa loob ng ‘Calambubble’.
Inaasahang darating naman ngayong araw sa bubble ang iba pang miyembro na sina Juan Gomez de Liaño at Dwight Ramos.
Makakasabay ng dalawa ang bugso ng PBA players na nagkumpirmang lalaro sa third window.
Nauna nang pumasok sa bubble sina Kiefer Ravena ng NLEX, CJ Perez ng Terrafirma at Justin Chua ng Phoenix.
-
MORISETTE, nag-iisang choice para i-revive ang iconic song na ‘Shine’ na pinasikat ni REGINE
KASABAY ng celebration ng 10th year niya sa showbiz ni Morisette ay ang silver anniversary naman ng awiting “Shine” na composition ni Trina Belamide na second prize winner sa Metropop in 1996. Si Mori ang napili nina Trina at Jonathan Manalo, creative manager ng Star Music, para mag-record ng bagong version ng “Shine” for […]
-
Bianca, gustong i-feature ang ‘journey’ ni Vhong: Success story ni MADAM LYN, sobrang nakaka-inspire
WINNER na winner ang grand launch ng TOP SHELF Magazine na ginanap sa Quezon 2 & 3 function rooms ng Seda Vertis North sa Quezon City noong Linggo, Abril 2. Proud na proud ang newest business and lifestyle magazine sa pagpi-feature nang nakaka-inspire na TOP entreprenuers at professionals na pina-publish ng Velvet Media Inc. […]
-
Phil. Women’s football team pasok na sa quarterfinals ng 2022 AFC Women’s Asian Cup
PASOK na sa quarterfinals ng 2022 AFC Womens’ Asian Cup ang pambato ng bansa matapos ilampaso ang Indonesia 6-0 sa laban na ginanap sa Pune, India. Dahil sa panalo ay nasa pangalawang puwesto na sila sa Group B na mayroong dalawang panalo at isang talo. Nangunguna pa rin sa Group B […]