Komite sa adverse effect ng umaarangkada ng pagbabakuna, nakahanda na
- Published on March 5, 2021
- by @peoplesbalita
PREPARADO na ang deployment plan ng National Adverse Event Committee na siyang tatanggap ng mga ulat na may kinalaman sa adverse effect na mararanasan ng isang nakatanggap na ng bakuna.
Sinabi ni Dr. Lulu Bravo, Executive director of Philippine Foundation for Vaccination nakahanda na ang komite sa pagtanggap at pagkuha ng impormasyon hinggil sa kung anumang maiuulat na adverse event.
Mahalaga ani Dr. Bravo na makita at mai-report ang anumang side effect gayung makakatulong ito sa harap ng pagsisikap ng gobyerno para maging maganda ang kumpiyansa ng publiko sa bakuna.
Mula sa sinasabing adverse event ay kanilang titingnan kung konektado
talaga sa vaccine o sa kuwalidad ng bakuna ang maiulat na kaso ng side effect.
Hindi naman daw kasi ani Bravo ibig sabihin na nagkaroon ng lagnat ay galing na sa bakuna habang may kinalaman din aniya ang pag – aadminister ng pagbabakuna ng isang vaccinator.
“Ako sa news, naghihintay kami, hindi pa tapos. Wala pa kaming meeting tungkol sa mayroon mang nag-adverse event yesterday. All I can see is the news na mukhang hindi nagkaroon ng magandang kundisyon – sa Veterans ba iyon yesterday? That’s all I know. But what I am eager to share with our people is the fact that adverse events are being looked into. The National Adverse Event Committee is ready now, I think, to be able to give the deployment plan.In fact, if I could share my screen there is a deployment plan here that we have and this is the one I’d like to share with you,” anito.
“Ito ba nakikita ninyo? Ito lang naman ang gusto kong ipakita sa inyo na deployment plan natin sa national AEFI that all the vaccinees will be able to have a reporting of any adverse event, and then makikita po na in place na iyan at ang ating mga komite—actually, I’m so proud of my committee, talagang binubuska nila kung ano ang dapat tingnan kung talagang mayroon bang mangyayari na related to the vaccine. Kasi importante iyan eh na makita natin at mai-report natin para maganda ang kumpiyansa ng ating mga kababayan.
Kapag mayroon adverse event titingnan natin kung mayroon talagang related to the vaccine or is it related doon sa quality noong vaccine kasi importante rin iyan na makita natin. Hindi naman porke’t nagkaroon ka ng fever eh eksakto galing lang iyan sa vaccine. It can be medyo mali iyong ginawang manufacturing kaya’t tsini-check iyan.”
“Tapos iyong mga nagbabakuna, dapat maingat din, hindi sila magkakaroon bulilyaso doon sa pag-iineksiyon, dapat ano din sila, trained hindi ba. And then iyong nakita ko kahapon sometimes mayroong nahihimatay or nagpi-faint hindi dahil sa bakuna, pero dahil sa anxious sila or natakot sila, iyon ang tinatawag nating immunization anxiety related reaction,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)
-
1st medal posibleng manggaling kay Yulo PUNTIRYA ni world champion Carlos Yulo na maibigay ang unang medalya ng Pilipinas sa 2024 Paris Olympics.
Sasalang si Yulo sa men’s individual all-around sa Hulyo 27 na magsisilbing qualifying round para sa tsansang makapasok sa final round. Idaraos ang final round ng men’s all-around sa Hulyo 31. Target ni Yulo na makapasok sa Top 3 sa men’s all-around. Pakay din ni Yulo […]
-
18 katawan, naiahon na; retrieval operation sa Batangas landslide, gagawin nang 24/7
UMABOT na sa 18 labi ang nahukay ng mga otoridad sa nagpapatuloy na operasyon sa Brgy Sampaloc, Talisay City, Batangas, kung saan pinaniniwalaang nabaon ng buhay ang mahigit 20 katao dahil sa biglaang pagguho ng lupa. Kabilang sa mga unang nahukay ang labi ng 12 bata, ilan sa kanila ay naka-yakap pa sa […]
-
Mojdeh nilangoy ang gold medal sa Finis Swim Series
INILATAG ni national junior record holder Micaela Jasmine Mojdeh ang matikas niyang porma para masungkit ang gintong medalya sa girls’ 100-meter breaststroke sa 2022 Finis Short Course Swim Series-Luzon Leg kahapon sa New Clark City Aquatics Center sa Capas, Tarlac. Nagrehistro ang 15-anyos na si Mojdeh ng isang minuto at 15.07 segundo para […]