• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Konstruksyon ng MMSP umuusad ayon sa timeline

SA ISANG ginawang inspeksyon ng Department of Transportation (DOTr) kasama ang mga miyembro ng media ng Metro Manila Subway Project (MMSP) sa lungsod ng Valenzuela ay nakitang ang konstruksyon ay umuusad ayon sa timeline na binigay ng DOTr.

 

 

Kasama sa inspeksyon na pinamumunuan ni DOTr Secretary Jaime Bautista, kanyang sinabi na inaasahang matatapos ang 33-kilometro MMSP sa darating na taong 2029 kung saan ito ay magkakaron ng full operation.

 

 

Ang MMSP ay may bilis na 80 kph kung saan ay inaasahan na magkakaron ng mas konbinieteng at komportableng paglalakbay ang mga pasahero mula sa lungsod ng Valenzuela hanggang Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 (NAIA T3) at balikan sapagkat ang travel time ay magiging 30 minuto na lamang kumpara sa dating 41 minuto.

 

 

May 519,000 na pasahero ang inaasahang gagamit at sasakay sa subway kapag ito ay naging fully operational sa unang taon.

 

 

“The MMSP has disaster-resilient features and cutting-edge facilities. It is not ordinary since it will be using advanced technology from Japan,” wika no Bautista.

 

 

Ang MMSP ay magkakaron ng seamless connectivity para sa mga pasahero sapagkat ang nasabing subway ay ikokonekta sa Light Rail Transit Lines 1 and 2, Metro Manila Transit Line 3 (MRT3), MRT 7, at Philippine National Railways (PNR).

 

 

Ikokonekta rin ang gagawing Metro Manila Transit Line 4 (MRT4) at ang North-South Commuter Railway Project (NSCR).

 

 

Samantala, ang DOTr ay nag award ng dalawang (2) kontrata para sa civil works ng North-South Commuter Railway (NSCR).

 

 

Ang nasabing mga kontrata ay ang Package S03A na gagawin ang civil works ng 7.9kilometer section ng bagong railway na dadaan sa itaas at viaduct kasama ang surface stations ng EDSA at Senate at ang elevated na estasyon sa Buendia.

 

 

Inaward sa First Balfour and Leighton Contractors (Asia) of Hong Kong ang nasabing kontrata na nagkakahalaga ng $US 383 million. Ang nasabing civil works ay kinakailangan matapos sa loob ng apat (4) at kalahating taon.

 

 

Habang ang S03C contract package naman ay inaward sa joint venture ng Indonesian state-owned PT Adhi Karya at PT PP kung saan sila ang gagawa ng civil works na may 5,8 kilometer section na tatakbo sa grade at viaduct kasama rin ang pagtatayo ng estasyon ng Bicutan at Sucat. Ang kontrata ay nagkakahalaga ng P18.25 billion at kinakailangan matapos sa loob ng lima (5) at kalahating taon.

 

 

Ang 147.26kilometer na NSCR ay tatakbo mula Clark sa Pampanga via Metro Manila hanggang sa lungsod ng Calamba sa Laguna. Inaasahan ng DOTr na matatapos ang proyekto sa darating na 2028 na may kabuohang gastos na P873.62 billion.

 

 

Noong nakaraang July 2 ay inihinto naman ang operasyon ng PNR service mula Alabang papuntang Calamba at vice versa uapng bigyan daan ang konstruksyon ng NSCR.  LASACMAR    

Other News
  • Ads February 28, 2024

  • Pagmamahal ng aktor walang hanggan at katapusan: KATHRYN, pinasalamatan si DANIEL sa ’11 beautiful years’

    PAGKATAPOS ng ilang buwan na pinag-uusapan na nagkahiwalay na ang minamahal na loveteam nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, nakumpirma na nga ito noong November 30. Pareho na ngang nagsalita sina Kath at DJ at inaming hiwalay na sila kasabay ng pakiusap na irespeto muna ang kanilang privacy. Sa mahabang Instagram post ni Kath sinimulan […]

  • “Venom: The Last Dance” – Kelly Marcel’s Vision for the Thrilling Final Chapter

    “Venom: The Last Dance” marks the thrilling conclusion to the Venom trilogy. Directed by Kelly Marcel, the film explores the emotional bond between Eddie Brock and Venom.   Director Kelly Marcel sees “Venom: The Last Dance” as many things, but above all, it’s a love story. As the final chapter in the Venom trilogy, Marcel […]