• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kontrata ni Bryant sa Nike tinapos na ng kampo nito

Tinapos na ng kampo ni NBA legend Kobe Bryant ang kontrata nito sa Nike.

 

 

Nagdesisyon ang asawa ng pumanaw na Los Angeles Lakers star na si Vannessa Bryant at ang abogado nito na hindi na nila ire-renew ang partnership nila matapos na ito ay magpaso noong Abril 13.

 

 

Sinabi nito na naging matagumpay ang paglunsad ng sapatos ng asawa nito sa nagdaang 18 taon at mas marami pa itong naisusuot na sapatos ni Kobe kaysa sa ibang mga signature shoes.

 

 

Isang dahilan kaya hindi na ito nagrenew ng kontrata sa Nike ay dahil sa walang size na pambata.

 

 

Umaasa pa rin ito na isusuot pa rin ng fans ng asawa nito ang mga produkto ng NBA legend.

 

 

Taong 2003 ng pumirma sa Nike si Kobe at naipalawig pa ito ng limang taon ang kontrata matapos ang pagreretiro niya noong 2016.

 

 

Magugunitang pumanaw si Bryant noong Enero 2020 ng bumagsak ang helicopter na sinakyan niya kasama ang anak at pitong iba pa.

Other News
  • 9 KATAO, TINUTUGIS SA PAGPATAY SA ESTUDYANTE

    TINUTUGIS ng Manila Police District (MPD) ang grupo ng siyam na kalalakihan na umano’y responsible sa pagkamatay ng isang 20-anyos na estudyante sa isang Restobar Biyernes ng madaling araw noong October 20.     Inaalam pa ang pagkakakilanlan sa grupo ng kalalakihan na suspek na pagpatay kay   Randall Bonifacio Y Rillion ng 3192 Int 22, […]

  • DOTr: Isusulong na dagdagan ang kapasidad ng mga pasahero sa pampublikong transportasyon

    Tinutulak ng Department of Transportation (DOTr) na madagdagan ang kapasidad ng mga pasahero sa mga pampublikong transportasyon mula sa kasalukuyang 50 percent upang mabawasan ang hirap ng nararanasan ng mga pasahero sa pagsakay.     Balak ng DOTr na utay-utay na palawakin ang kapasidad ng mga pampublikong transportasyon tulad ng Public Utility Jeepneys (PUJs) at […]

  • Mas maraming insentibo para sa mga Filipino scientists, hangad ni PBBM

    INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Science and Technology (DOST)  na maghanap ng paraan para mapagkalooban ng karagdagang insentibo ang mga  Filipino scientists.     Sa idinaos na 8th Annual Balik Scientist Program Convention,  hinikayat ni Pangulong Marcos ang marami pang Filipino scientists na manatili sa bansa at ibahagi ang kanilang kaalaman […]