• April 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Korapsyon sa PhilHealth itinanggi ni Morales

Itinanggi ni Philhealth President Ricardo Morales ang mga iregularidad sa ahensyang nasasakupan.

 

Kasabay nito ay hinamon din ng opisyal si Thorrsson Montes Keith, anti-fraud officer na nagbitiw sa pwesto na patunayan ang sinasabing “widespread corruption.”

 

“[Aabot sa] 50,000 transactions ang hina-handle ng PhilHealth araw-araw, palagay ko naman kung hindi corruption ‘yung mga inefficiencies diyan, mali ‘yung pasok [ng entries], kulang. Pero iyong sinasabi na korapsyon na may sindikato, may mafia, wala hong ebidensiya,” lahad ni Morales sa isang panayam.

 

“Kung may alam siyang corruption, ilabas niya. Mag-aantay pa siya ng August 31 [for his resignation to become effective]? Gawin na niyang Lunes o ngayon, kasi detrimental na ‘yung ano niya… it would compromise the corporation for him to stay, for him to have access to the resources of the corporation,” dagdag pa nito.

 

Lahad ni Morales, hindi nag-e-exist ang posisyong sinasabi ni Keith.

 

“Wala namang ganung position. Pumunta sa akin ‘yan noong isang araw, naga-apply sa position na hindi siya qualified, gusto palitan si Laborte. Hindi ko siya kilala, eh position of confidence iyong executive assistant,” paliwanag ni Morales tungkol sa posisyong Executive Assistant Etrobal Laborte.

 

“Hindi naman siya qualified roon kasi kailangan ng training, attitude,” lahad pa nito.

Other News
  • Pres. Duterte pinatataasan sa P500 ang halaga ng ayuda para sa pinakamahihirap na pamilya

    INATASAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Finance Sec. Carlos Dominguez III na dagdagan ang ayuda na ipinamamahagi sa pinakamahihirap na pamilya o benepisaryo ng 4ps.     Sinabi ng pangulo na kulang ang P200 kada buwan para sa isang pamilyang may limang miyembro.     Kaya naman inutos nito kay Sec. Dominguez na gawan […]

  • MARIAN, hectic ang schedules sa ‘Miss Universe’ kaya imposibleng makapunta sila ni DINGDONG sa Holy Land

    CHANCE na sana ng Kapuso Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na mapasyalan ang Holy Land since first time lamang nilang nakapunta sa Israel dahil naimbitahan nga si Marian na maging isa sa mga judges ng 70th Miss Universe sa Eilat, Israel.     Pero mukhang hindi sila makakasingit sa hectic schedules ni […]

  • Mas mabigat na parusa vs illegal foreign workers

    NAIS ni Bicol  Saro Partylist Rep. Brian Raymund Yamsuan na mapatawan ng mas mabigat na parusa ang mga dayuhang nagtatrabaho sa bansa ng iligal kabilang na ang pagkakakulong ng hanggang 6 na taon at mataas na multa.     Sa House Bill 1279, pinatataasan nito sa P50,000 ang kasalukuyang nakasaad sa batas na P10,000 multa […]