• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Korea, popondohan ang feasibility study ng Bataan nuke plant revival- DoE

SINABI ng Department of Energy (DoE) na popondohan ng South Korea ang feasibility study kung saan makikita kung maaaring buhayin muli ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP).

 

Sinabi ng DOE na ang pag-aaral ay mayroong dalawang phases: ang una ay susuri sa kasalukuyang kondisyon ng BNPP at bahagi nito habang ang pangalawang phase ay magsasabi kung ang planta ay maaari pang ayusin at baguhin.

 

Kung makikita kaagad sa first phase na hindi advisable na magpatuloy pa sa susunod na phase, maaaring magrekomenda ang Korea Hydro and Nuclear Power Co. (KHNP) ng alternatibo, kabilang na ang konstruksyon ng conventional plant o development ng maliit na modular reactor.

 

“These alternatives will be presented as viable paths forward, offering flexibility in advancing the country’s nuclear energy agenda, based on the results of the initial phase,” ayon sa DOE.

 

Ang pag-aaral ay magsisimula sa January 2025. Natintahan na ang memorandum of understanding (MoU) sa Palasyo ng Malakanyang sa pagitan ng DOE at KHNP para sa feasibility study sa harap nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at South Korean President Yoon Suk Yeol.

 

Ilang saglit pa pagkatapos ng 2022 elections, sinabi ni Pangulong Marcos na tinitingnan niya na buhayin ang ‘mothballed nuclear power plant’ na itinayo sa huling bahagi ng diktadurang panunungkulan ng kanyang namayapang ama.

 

Samantala, sinabi ng DOE na nais ng Pilipinas na isama ang nuclear energy sa energy mix nito. Layon ng Pilipinas na magkaroon ng nuclear power plants na mapapatakbo sa 2032, na may initial capacity na 1,200 MW. Sa kalaunan ay lalawak ito sa 2,400 MW sa 2035, at aabot sa 4,800 MW sa 2050. (Daris Jose)

Other News
  • Fury sabik ng makaharap si Wilder sa ikatlong pagkakataon

    Tiniyak ni British boxer Tyson Fury na kaniyang pahihirapan ang American boxer na si Deontay Wilder sa kanilang paghaharap para sa heavyweight fight sa Oktubre 10 sa Las Vegas.     Dagdag pa ng 33-anyos na si Fury, uulitin niya ang diskarte nito noong ikalawang paghaharap nila noong Pebrero 2020 na nagresulta sa pagkatumba nito […]

  • NEDA Board, aprubado ang pagbabaho sa flood control projects sa Cavite, NCR

    NAGBIGAY ng ‘go signal’ ang National Economic and Development Authority (NEDA) Board para palawigin ang construction period at iba pang adjustments sa Cavite Industrial Area-Flood Risk Management Project (CIA-FRIMP) at Pasig-Marikina River Channel Improvement Project (PMRCIP) – Phase IV.       Ang NEDA Board sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., bilang chairman, […]

  • Phivolcs, hindi pa nakikitang may pangangailangan na ilagay sa “higher alert level” ang Bulusan

    HINDI pa nakikita ng  Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvolcs) ang pangangailangan na itaas ang Bulusan Volcano sa Sorsogon sa Alert Level 2 sa kabila ng panibagong pagputok, araw ng Linggo.     Sinabi ni Phivolcs Director Renato Solidum, malaki ang posibilidad ng muling pagputok ng bulkan matapos na pumutok ito ng  madaling araw […]