• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Korean Trader, inaresto sa NAIA

INARESTO ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang  negosyanteng South Korean na wanted ng mga awtoridad sa Seoul dahil sa economic crimes.
Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco si Ahn Youngyong, 54 ay nasabat sa NAIA terminal 1 habang ito ay papasakay sa  Philippine Airlines  biyaheng Shanghai, China.
“He was not allowed to leave and was instead arrested after his name prompted a hit in our derogatory check system indicating that he is a wanted fugitive in his country,” ayon kay  Tansingco.
Batay sa datos, inilagay si Ahn sa BI watchlist dahil sa pagiging undesirable aliens nito dahil sa kasong kriminal na isinampa sa kanya sa Korea.
Ang Korean embassy sa Manila ay inimpormahan ang BI hinggil sa warrant of arrest na inisyu ng Seoul eastern district court laban kay Ahn dahil sa paglabag sa prohibition on marketing disturbances.
“Market disturbance or disruption refers to any significant change or disturbance in an industry or market.  As a result, markets cease to function in a regular manner, typically characterized by rapid and large market declines’ paliwanag ng BI.
Ayon sa awtoridad ng Korean, sa pagitan ng February at September 2018, nagpakalat si Ahn ng maling impormasyon sa capital investment, joint development at sales of immune-anti cancer drugs, completion of technology transfer, sa isang US bio-company.
Ang kanyang ginawa ay nagpapataas sa  presyo ng mga gamot  sa Korean stock market at nagdulot ng di patas na tubo sa mga manufacturer ng mahigit 63.1 billion won, o halos US$44 million. GENE ADSUARA
Other News
  • El Niño nagsimula na – PAGASA

    PORMAL  nang nagsimula ang El Niño phenomenon sa bansa. Ito ang idineklara sa ginanap na briefing ng PAGASA kahapon at nagsabing naitaas na nila ang antas ng warning status mula El Niño Alert na ngayon ay El Niño Advisory. Ayon sa PAGASA, mahina pa ang kasalukuyang El Niño pero nagpapakita na ng mga senyales na […]

  • Perfect timing ang MMFF movie at wish na mag-win: JAKE, ayaw nang mag-elaborate sa mabigat na pinagdaanang pandemya

    AYAW nang mag-elaborate pa ni Jake Cuenca kung bakit parang naging mabigat sa kanya ang pinagdaanang pandemya. Napansin kasi namin kay Jake na oo nga’t halos lahat naman ay naaapektuhan ng pandemya, pero parang nagkaroon talaga ng matinding impact ito sa kanya. Sabi ni Jake, “so many losses. Ang dami… family members, friends, even network […]

  • Nagbigay ng update sa kanyang surgery… DARREN, nakalabas na at nagpapasalamat sa lahat ng nakaalala

    NAGBIGAY ng update ang Filipino-Canadian singer, actor at TV host na si Darren Espanto na nag-undergo ng surgery for appendicitis.     Ayon sa kanyang Instagram Stories noong August 9, “from the airport to the hospital, sabi sa inyo grabeng plot twist ang nangyari sa akin e.     “Appendicitis suddenly hit during my flight […]