• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Korina, napahanga nang husto sa mga natuklasan: SYLVIA, ready na sa kasal nina ARJO at MAINE at may sagot sa RIA-ZANJOE issue

MATAPOS ang magandang reception sa pinaka-bagong interview show sa free TV na “Korina Interviews” sa NET25 (kung saan mapapanood ang mga nakakaaliw na mga rebelasyon ni Dra. Vicki Belo sa first episode), naglakbay naman sa lupa, tubig, at himpapawid ang beterana at multi-awarded broadcast journalist na si Korina Sanchez-Roxas upang makapanayam ang critically-acclaimed actress na si Sylvia Sanchez.

 

 

“Napapanood natin si Sylvia with the moat gruelling roles that only she can deliver. Madalas bilang mahirap na nanay, labandera, may problema sa isip, madungis…but people have to see Sylvia’s real life,” pahayag ni Korina.

 

 

“Pati ako mangha sa husay niyang mom to her kids (na ang isa ngayon ay Congressman na si Arjo Atayde). They also have to know she has great taste in interiors of homes, cooks the best food — ay naku! She is a sportswoman, grabe sa jetski…and so much more.”

 

 

Dumayo nga ang ‘Korina Interviews’ team sa Tali Beach property ng mga Atayde at talaga namang enjoy sila sa pag-aasikaso sa kanila ni Sylvia, na kung saan naghanda ang aktres ng sangkaterbang pagkain.

 

 

Muling nabanggit ni Sylvia na ilang taong hindi sineryoso bilang isang aktres, dinadaan-daanan at hindi pinapansin, hanggang sa pinatunayan niya ang kanyang sarili at tinitingala na rin bilang mahusay na aktres.

 

 

Sinagot din niya kung ano ang totoo sa pagitan nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo. Ayon sa anak, hindi pa raw, at walang pag-amin na nagaganap, na for sure, kanilang hinihintay na magmula kay Zanjoe.

 

 

Handang-handa na rin si Sylvia na ikasal si Cong. Arjo kay Maine Mendoza at magkaroon na ng apo. Wala pang petsa kung kailan, dahil hindi naman niya tinatanong, pero mukhang nalalapit na talaga yun.

 

 

Ibinahagi din niya na hindi ‘love at first sight’ ang love story nila ng businessman na si Art Atayde.

 

 

Isa ngang relaxed, super happy, down to earth, at informative ang second episode ng ‘Korina Interviews’, na napapanood tuwing Linggo, 5 pm sa NET25 na may live streaming at puwedeng balik-balikan sa kanilang youtube channel.

 

***

 

 

SAMANTALA, nag-oathtaking naman si Quezon City District 1 (QCD1) Representative Arjo Atayde bilang miyembro ng Nacionalista Party (NP) kung saan nanumpa siya kay House Senior Deputy Majority Leader, NP member, at Ilocos Norte District 1 Representative na si Sandro Marcos.

 

 

Ang NP ay ang pinaka-matandang political party sa Pilipinas at Timog-Silangang Asya at ito din ang pangunahing political party sa administrasyon nina Pangulong Manuel L. Quezon at Sergio Osmeña (1935-1946), Pangulong Ramon Magsaysay at Carlos P. Garcia (1953-1961), at Pangulong Ferdinand Marcos Sr. (1965-1972).

 

 

Tumakbo si Atayde bilang independent sa nakaraang eleksyon nuong Mayo sa suporta ng Quezon City Mayor na si Joy Belmonte. 100 araw na siyang nakaupo at nakapagsulat na siya ng 26 panukalang batas matapos siyang manalo ng landslide sa Congressional race sa QCD1 kung saan 66.85% ang nakuha niyang boto.

 

 

Present sa oathtaking ni Rep, Atayde ang kanyang mga magulang – ang negosyanteng si Art Atayde at ang premyadong aktres na si Sylvia Sanchez. Kasama rin ang kapwa miyembro ng NP na sina Senator Mark Villar at Deputy Speaker Camille Villar-Genuino.

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Riot ng mga kabataan napigilan sa Malabon, 2 timbog sa Molotov bomb

    NAPIGILAN ng pulisya ang napipintong riot ng mga kabataang lalaki makaraang madakip ang dalawang hinihinalang miyembro ng isang gang, kabilang ang isang menor-de-edad habang bitbit ang dalawang molotov bomb sa Malabon city.     Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Albert Barot ang isa sa naaresto na si Jimmy Boy Villena, 20 habang hindi naman […]

  • Ads June 10, 2024

  • PBBM sinuspinde ang LTFRB chairman

    SINUSPINDE  ni President Ferdinand R. Marcos si Land Transpotation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Teofilo Guadiz dahil sa alegasyon ng korupsyon na binabato sa kanya.       Ang Presidential Communications Office (PCO) ang nagbigay ng anunsiyo sa kanyang suspensyon. Nag-utos naman si President Marcos ng isang imbestigasyon sa nasabing alegasyon.       […]