KORINA, proud na proud na pinost ang kanyang white bathing suit shot; fresh episodes ng ‘Rated Korina’ dapat abangan
- Published on June 2, 2021
- by @peoplesbalita
MAY pasabog na naman na IG post si Korina Sanchez-Roxas bago matapos ang Tag-init na kung saan proud na proud niyang ibinalandra ang series of photos na suot ang white one-piece bathing suit.
May caption ito ng, “Just sayin’. At my age, I don’t think twice about posting a good bathing suit shot. Why? I work for my health and fitness. And I’d like to inspire (if I do at all). At my age, I get a thrill if someone likes how I take care of myself. “Time will come when I won’t be able to do bathing suit shots anymore because it’ll ruin people’s day.
“But that ain’t today I think. So, thanks for cheering me on. #Bestlife.”
Sa true, may ‘K’ pa rin si Ate Kuring na mag-bathing suit at marami siyang nai-inspire na maging healthy ang beautiful sa kabila ng kanilang edad, kaya naman natuwa ang followers niya at celebritry friends na ni-reply-an niya na parang hinahamon na mag-post din ng kanilang bathing suit shot.
Samantala, sa nakaka-miss na Rated Korina na pansamantalang ‘di muna napapanood sa TV5 dahil nag-season ender na, pero ‘wag mag-aalala dahil magbabalik ang show ni Korina ngayong Hunyo.
Nag-post siya ng photo ng kanyang team at say niya, “And the Rated Korina Team is raring to be back with a wider audience with fresh episodes this June, telling stories like only we can tell.
“ABANGAN! #RatedKorina #PangRatedKorinaYan.”
***
SIMULA nang ipatupad ang lockdowns sa bansa para maiwasan ang pagkalat ng Covid-19, kaliwa’t kanang diskarte rin ang mga Pinoy para mabuhay at maitaguyod ang kanilang mga pamilya.
Dahil dito, tinitiyak ng Globe sa pamamagitan ng Globe At Home Prepaid WiFi na makapagbigay ng serbisyo na bagay sa badyet ng bawat isa para mailabas ang galing ng mga Pinoy at masigurong mas malayo ang kanilang mararating sa kabila ng pandemya.
Kapag abot-kaya ang Internet, kahit sino ay makakakuha ng pantay na access sa impormasyon, pantay na oportunidad para maging produktibo at magkaroon ng maayos na trabaho, at pantay na pagkakataong masubukan ang world-class na entertainment, bukod sa iba pang mga bagay.
Kaya naman sulit na investment ang pagkakaroon ng Globe At Home Prepaid WiFi para sa bawat pamilya. Sa halagang P999 ay may modem ka na at may libreng 10GB data pa kaya naman bawat miyembro ay madaling makaka-access sa internet. Hindi na kailangang magload pa sa kada cellphone dahil pwedeng-pwedeng pagsaluhan ng pamilya ang sulit na promos nito.
Maliban sa online classes, work-from-home, at family bonding, malaking tulong din ang HPW sa madiskarteng Pinoy na gumagamit ng social media para mai-promote ang kanilang home-based na mga negosyo na pandagdag sa pantustos ng pamilya.
“Nais namin sa Globe na bawat bahay sa Pilipinas ay magkaroon ng maaasahan at mabilis na internet connection. Ang Globe At Home Prepaid WiFi at mga sulit na promos nito ang isa sa mga tulay para matupad ang hangaring ito at mabigyan ng pagkakataon na makaahon ang bawat pamilya at i-pursue ang mga pangarap nila sa buhay,” ayon kay Darius Delgado, Globe Vice President at Head ng Broadband Business.
Ang Globe At Home Prepaid ay maraming mga sulit na promo. Halimbawa na lang ang latest na HOMESURF 99 promo nila na valid for five days. May kasama na itong 10GB ng data para sa lahat ng website at 5GB (1GB kada araw) para sa YouTube, Google Classroom, Lazada, Facebook, at marami pa.
Sinigurado ng Globe At Home na bukod sa abot-kayang mga promo, madali rin ang pagpapa-load gamit ang mga app tulad ng GCash, Globe At Home, o GlobeOne. Lahat ito ay available sa Google Play Store para sa mga Android devices, at App Store naman para sa mga iOS devices. Maaari ring pumunta sa pinakamalapit na Globe Store o partner retailers para magpa-load.
Para sa iba pang mga promo, bisitahin ang: https://www.globe.com.ph/help/broadband/prepaid-wifi/promos.html
(ROHN ROMULO)
-
WADE, PINILI ANG HEAT NA MANANALO KAYSA SA BEST FRIEND NA SI LEBRON SA LAKERS
MAS pinili ni dating NBA star Dwayne Wade ang Miami Heat na manalo sa NBA finals laban sa Los Angeles Lakers. Ito ay matapos na tanungin siya mismo ni NBA legend at Lakers star Earvin Magic Johnson. Sinabi ni Wade na mas pipiliin niyang magwagi ang Heat na dati nitong koponan kaysa sa […]
-
Kakulangan ng valid ID at digital literacy, dahilan ng mabagal na SIM registration sa bansa
KAKULANGAN sa government valid IDs at digital literacy ng mga SIM card subscribers ang itinuturong dahilan ngayon kung bakit nagiging mabagal ang pag-usad ng SIM registration sa bansa. Sa ngayon kasi ay aabot pa lamang sa 66 million o 39 percent ng kabuuang bilang na 168 million ng mga SIM card users sa […]
-
6 drug suspects arestado sa Valenzuela buy-bust
Timbog ang anim na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga, kabilang ang isang misis ang sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City. Ayon kay Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) investigator PCpl Christopher Quiao, alas-12:40 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT […]