• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kotse nahulog sa dagat, mag-asawa patay sa lunod

PATAY ang mag-asawa matapos na malunod ang mga ito nang mahulog ang sinasakyan nilang kotse sa dagat, kahapon (Biyernes) ng madaling-araw sa Ozamiz City, Misamis Occidental.

 

Nakuha pang dalhin sa MHARS Hospital ang mag-asawang biktima na nakilalang sina Ferdinand, 48, at Teresita Jalasan, 47, residente ng Cotta Area, Barangay Triunfo ng nasabing lungsod subalit idineklara na rin silang dead on arrival ng sumuring doktor.

 

Ayon kay Police Brig. General Rolando Anduyan, Police Regional Office 10 Director, naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng tanghali sa kahabaan ng Diversion Road sakop ng Barangay Triunfo ng lungsod na ito.

 

Napag-alaman na lulan ang mag-asawa ng kanilang kulay itim na Toyota Vios na may plakang YGP-805 na minamaneho ng lalaking biktima.

 

Galing umano sa paghahatid ng kanilang mga kaibigan sa simbahan ang mag-asawa mula sa isang kasiyahan at pauwi na sana ang mga ito sa kanilang bahay ng pagdating sa pakurbang bahagi ng kalsada ay hindi nakalkula ng drayber ang palikong kalsada dahilan upang magtuluy-tuloy na nahulog ang kotse sa dagat.

 

Dagdag ng pulisya na nakainom si Ferdinand na siyang nagmaneho ng sasakyan.

 

Umuulan at wala ring ilaw sa bahagi ng kalsada kaya posibleng hindi nito nakita ang daan.

 

Natagpuan na lang ng ilang concerned citizen ang mag-asawa sa loob ng kotse na walang malay kaya agad nila itong dinala sa nabanggit na ospital subalit patay na rin ang mga ito ng idating doon.

 

Base sa inisyal na pagsusuri ng doktor na tumingin ay pagkalunod ang sanhi ng pagkamatay ng mag-asawa.

Other News
  • ‘Huling Ulan sa Tag-araw’, best work ni Direk LOUIE: KEN at RITA, palaban sa acting awards

    ANG Cannes award-winning director Brillante Mendoza is the new addition sa roster of famed directors doing movies sa online platform na Vivamax.     Ang unang project niya ay Girl Love story na Palitan which features Cara Gonzales, Jela Cuenca, Rush Flores at Luis Hontiveros.     Bukod sa beautiful cinematography, mahusay ang acting ng […]

  • Ads February 22, 2020

  • PBBM, sinertipikahan bilang urgent ang Senate bill na mag-aamiyenda sa gov’t procurement law

    SINERTIPIKAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang urgent ang Senate bill na mag-aamiyenda sa Republic Act 9184 o Government Procurement Reform Act (GPRA) . Sa isang liham na may lagda ni Secretary Lucas Bersamin na may petsang Marso 19 para kay Senate President Juan Miguel Zubiri, binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang agarang pangangailangan na aprubahan […]