• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KRIS, itinanggi na nakipagbalikan kay MEL dahil tapos at naka-move na; mga dahilan isa-isang isinambulat

SINAGOT ni Kris Aquino ang IG post ni Manay Lolit Solis tungkol sa balitang baka magkabalikan sila ni Mel Sarmiento.

 

 

Say ni Manay Lolit, “May mga sign daw na baka bumalik si Papa Mel kay Kris dahil talaga daw love nito ang nanay nila Joshua at Bimby. In fairness naman kay Kris talagang pag minahal ka niya all out siya para sa iyo.

 

 

“Siguro nga naramdaman ni Papa Mel na sayang kundi bibigyan ng second chance ang kanilang relasyon lalo pa nga at tanggap ng kani kanilang pamilya ang kanilan love sa isa’t isa.      “Well, love is lovelier the second time around , kaya sige na Kris at Papa Mel, back na kayo sa isa’t isa, kiss and make up na.”

 

 

Sa simula nang mahabang sagot ni Kris, “No nay… hindi kami nag balikan. i just felt PEACE in my – finally… kaya the past no longer felt like something i needed to erase.”

 

 

Sambit ng Queen of All Media, “Iniwan nya ko Nay, when i was at my lowest and ginawa nya yun via text… matagal akong tahimik na nagdasal questioning if for both of us, was it ever really love or was it just grief, timing, and infatuation? i found MY answers because we finally got to talk over FaceTime audio a few nights ago… basing it on that final conversation it became clear to me what his true feelings for me had been and how little respect i had left for him…”

 

 

Pakiusap pa ni Kris, “let’s not involve my sons, because mel failed to have the common decency to acknowledge that he hurt bimb and never once checked on how my son was taking all of this.

 

 

“It spoke volumes to me nung nalaman ko from my Ate that she had tried several times to message Mel trying to find a way to communicate with him & hopefully still create a bridge but he actually snubbed my Ate.

 

 

“And siguro yung final straw for me was the fact kinaya nyang mag imbento ng napakaraming kwento bilang “patunay” na close talaga sila ni Noy eh may parang Alvin si Noy, pero kung si Alvin 17 years with me, this person was with my brother for 28 years and kasing detalyado ang calendar of the people, places, events na napuntahan & nakasama ni Noy as Alvin is with me- mas grabe pa yung kanya because from Congress 1998 to the end of Noy’s term in 2016 kumpleto talaga yung listahan.”

 

 

Dugtong pa niya, “Nay, by now kilala mo ko- FAMILY will always come first, kahit may mga tampuhan or misunderstandings, at the end FAMILY loyalty pa rin ang uunahin. i feel OA yung ginawang panggamit sa nananahimik ng patay- kaya it was a relationship na yung entire premise, what led to the closeness was my brother Noy- and because of what i had perceived to be their closeness (background lang: the 2 boys & I lived with Noy for the last 5 weeks before the May 2016 elections and Mel was a constant presence kasi maraming tinatapos na LGU issues).

 

 

“So paano mag babalikan sa taong hindi mo na pinagkakatiwalaan at ngayon alam mo nang hindi ka minahal at ginamit ka lamang?”

 

 

Kaya sa huling parte ng sagot ni Kris, “The End, Nay… Move on na…”

 

 

Nagpasalamat naman si Manay Lolit kay Kris sa pagsagot at paglilinaw sa balita. Dasal niya na sana matagpuan pa rin ni Kris ang kanyang forever.

 

 

Nag-reply naman si Kris ng, “Nay- TRUTH … Ate said for the sake of peace NEVER post anything about what I had gone through & what he had done to me- just let go and thank God you found out early enough… Nay-i obeyed because my Ate is really like a 2nd mom to me. And i can never say NO to just 3 people- Ate & my 2 sons.

 

 

“BUT nakahanap ng loophole sa request nya- she said for ME to never post-pero she didn’t specify na wag ako mag comment sa posts ng iba… hindi ko alam why yesterday as i was scrolling through IG, i saw your post. So you know your Tetay- i found a way to still obey my Ate but finally reveal my TRUTH.”

(ROHN ROMULO)

Other News
  • PVF nanawagan sa POC; LVPI idiskwalipika sa eleksyon

    Muling nanawagan at umapela ang Philippine Volleyball Federation (PVF) kay Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino na rebisahin ang isyu sa volleyball at idiskwalipika ang Larong Volleyball sa Pilipinas Inc. (LVPI) sa gaganaping POC election sa Nobyembre 27. Sa sulat ni PVF President Edgardo “Tito Boy” Cantada na may petsang Nobyembre 5, 2020, […]

  • Phoenix Suns, sumandal kay Deandre Ayton para pahiyain ang Utah Jazz

    Bumida si Deandre Ayton ang panalo ng Phoenix Suns laban sa Utah Jazz.   Kumamada si Ayton ng 29 points at 21 rebounds para pangunahan ang panalo ng Phoenix Suns kontra Utah Jazz, 113-112.   Sa kanilang home victory nakarami si Ayton ng steal sa final minute at gumawa ng 11 sa 19 field goals. […]

  • Babae, inaresto sa paggamit sa anak sa online show

    INARESTO ng  National Bureau of Investigation – Human Trafficking Division (NBI-HTRAD) ang isang babae na ginagamit ang kanyang menor de edad na anak para sa online sexual show at exploitation.     Nag-ugat ang operasyon mula sa idinulog na kaso ng Department of Justice Office of Cybercrime (DOJ-OOC) laban sa isang babae na umano’y ginagamit […]