KRIS, patuloy na lalaban at ‘di susuko para kina JOSHUA at BIMBY; tumutulong pa rin sa kabila ng pinagdaraanan
- Published on January 14, 2022
- by @peoplesbalita
SA latest IG post ni Kris Aquino, ipinakita niya ang kanyang hitsura na papayat nang papayat habang nakikipaglaban sa kanyang sakit.
Makikita na tinutukan siya ng gamot at nilalagyan ng IV, na kahit mararamadam mo ang sakit, nakukuha pa rin niyang ngumiti at magpasalamant sa nurse.
Kasama rin ang post ang mga pinangakong tulong sa mga nangangailangan at ang bouquet ng pink of roses na pinadala sa kanya.
Panimula ng long post ni Kris, “Inamin ko na malayo sa okay ang kalusugan ko… pero ginagawa pa rin namin ang lahat ng kakayanin sa ngayon, para makatulong sa kapwa.
“Simple ang dahilan ko, hindi nyo kami iniwan nung kami ang nangangailangan… i am just reciprocating in the way i am at present able to, the LOVE, SUPPORT, KINDNESS, COMPASSION, and LOYALTY many Filipinos have given me and my family, especially now that many need assistance. Lahat ng napangakuan, ginagawan ng paraan na matupad bago mag January 25, birthday in heaven ng mom ko.”
Pagpapatuloy niya, “Isang request lang po, please don’t scold my nurse for not wearing gloves during our IV insertion- ako po ang nag request na tanggalin na nya kasi naubusan na ko ng veins for the IV line, fragile & weak kasi ang mga ugat ko. Whether doctor or nurse, inaabot minsan ng 8 attempts to get the line successfully in.
“Mahaba pa ang laban ko to strengthen my body & heal my broken heart… BUT from childhood i already knew, for me weakness could never be an option… especially NOW because i have kuya josh & bimb who still need me to love, care, and provide for them. Para sa dalawang pinakamamahal ko, hindi ako susuko.”
Dagdag pa ni Kris, “P.S. to protect the privacy of the very thoughtful friends who sent me flowers, balloons, fruits, home cooked food, Rosaries, prayer books, ice cream, and so much more i am refraining from any gratitude posts. “To all, please know how much your thoughtfulness & gestures of caring especially your messages and hand written cards have uplifted me. At least now i know sino ang totoong nagmamahal at maaasahan, at sino ang makasarili at fake lang pala. (Hindi po yung ex fiancé ang pinatatamaan, kung sya pinangalanan ko na lang.)”
Post pa ni Kris para sa lahat nag-comment sa kanyang post na patuloy siyang ipinagdarasal para gumaling, “Thank you for your continued kindness.”
Narito ang ilan sa magagandang komento ng netizens, na labis na nag-aalala sa kanyang health:
“Kris stay away from negativity nalang please. Iwasan mo na magparinig sa dulo. Ok na sana yung message eh. I really hope you’ll get better soon. Be strong for your kids.”
“True feeling ko nakaka trigger din sa sakit nya ang stress dahil nga immunocompromised sya sana less negativity nalang din talaga. Parang napaka workaholic and driven nya kasing tao nung nawala sya sa ABS parang doon nag start lahat. Di ko sure observation ko lang naman.”
“Generous naman talaga si kris eversince. Sana lang talaga she will take a good long rest para sa health nya. She needs to take a break from social media. Your health should be the most important priority…”
“Nakaka alarm yun weight loss ni Krissy.”
“Sana tumaba na siya at lumakas. Pray pray pray tayo sa kanya.”
“Kada makikita ko si Tetay papayat siya nang papayat.”
“Sobrang payat na ni Ms. Kris. Sana gumaling na sya sa mga sakit nya.”
“Sobrang payat niya… pero ang ganda niya pala pag sobrang payat parang mga Hong Kong actresses.”
“Grabe ang pinayat ni Ms. Kris. She should also not rely only on artificial treatments but also try healing naturally(herbal/etc.) Praying for her recovery.”
“Panalangin ko Kris sana bumuti na ang kalusugan mo. Nagulat ako weight loss nya, bilang tao syempre hindi ko maiwasan hindi mahabag.”
“Love you, Krissy.”
Dalangin namin na sana’y malampasan ni Kris ang kanyang pinagdaraan, para matagal pa niyang makasama sina Joshua at Bimby at marami pa siyang matulungan.
(ROHN ROMULO)
-
Terrence Romeo activated na para sa final push sa playoffs
Ibinigay ng SAN Miguel ang panghuling pagtulak nito para sa playoffs sa 2022-23 PBA Commissioner’s Cup ng napapanahong pagpapalakas sa pamamagitan ng pag-angat kay Terrence Romeo sa aktibong roster. Kwalipikado na ngayon si Romeo na maglaro para sa Beermen matapos mapabilang sa injured list dahil sa back injury na nagtulak sa kanya na hindi […]
-
LTFRB: Jeepney operators pinag-iisipan kung bibigyan ng five-year na prangkisa
ANG Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay pinag-iisipan kung bibigyan ng five-year provisional na prangkisa ang mga jeepney operators kung saan ito ay magiging isa sa mga kasagutan sa mga hinihingi ng mga drivers at operators ng public utility jeepneys (PUJs) na nag welga noong Lunes. Isa ito sa mga […]
-
Pagbati bumuhos sa pagkapanalo ni Matsuyama na unang Japanese na nagwagi sa Masters
Pinangunahan mismo ni Tiger Woods ang pagbati sa Japanese golf player na si Hideki Matsuyama matapos magwaig ito sa The Masters sa Augusta, Georgia. Tinalo kasi ni Matsuyama si Will Zalatoris ng US at siya ang unang Japanese na nakakuha ng nasabing titulo. Sa pamamagitan ng kaniyang Twitter ay binati ni Woods ang […]