• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KRIS, pinost ang pa-sexy at almost nude pictures sa IG account; dedma na sa mapanghusgang netizens

MAY pa-hashtag si Kris Bernal para sa kanyang birthday ngayong May 17.

 

 

Thirty-two year old na si Kris and most likely, her last year na single pa siya or pwedeng ang taon na magiging misis na siya dahil todo na rin ang pag-aayos niya para sa nalalapit niyang kasal sa boyfriend na si Perry Choi.

 

 

Ang pa-hashtags niya na “Kris Never Been This Free” at  “Kris B at 32.”

 

 

Ang ibig bang sabihin ni Kris sa “never been this free” ay yung pagiging malaya na rin ng kanyang katawan.

 

 

Since before, aminado ito na nagkakaroon siya ng insecurity dahil ang daming pumupuna sa katawan niya na sobrang payat, to the point na sinasabihan siyang anorexic, e. katwiran niya, sobrang lakas nga raw niyang kumain.

 

 

Sunod-sunod ang pa-sexy at almost nude pose pictures ni Kris sa kanyang Instagram account. So, parang sa isip niya siguro, malaya na rin siyang i-flaunt ang katawan niya whether people find her sexy or too slim for them.

 

 

Braless at pasilip ng kanyang upper lower back or puwet sa mga pictures si Kris. At in fairness, ganda ng kurba ng lower back ni Kris.

 

 

At sa isang caption niya, tinawag nga niya itong
“Body Positivity.”

 

 

Sey pa niya, Body positivity is not just about how someone looks. It’s embracing who you are as a person. Tbh, before I used to get affected on how people perceive how I look, “Pandak, Anorexic, Butiki, Kawayan..” and the list goes on, but now I learned how to bring positivity to myself and other people by embracing my flaws. There’s always beauty in embracing who you are and working towards making yourself better.”

 

 

     ***

 

 

KATULAD nang isinulat namin dati, ngayong buwan na nga ng May ang simula ng taping ng bagong teleserye ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa GMA-7 ang The World Between Us.

 

 

Naka-quarantine muna ang lahat sa designated hotel na ibibigay sa kanila ng network. At kapag walang nag-positive after seven days sa mga lead stars, tuloy-tuloy na ang taping. Diretso na ang mga ito sa location.

 

 

Ang leading lady ni Alden ay si Jasmine Curtis-Smith at kasama rin nila si Tom Rodriguez. Gayundin sina Dina Bonnevie at Jaclyn Jose.  Ang script reading ay virtual na lang din nila ginawa.

 

 

Ang alam namin, sa bagong teleserye muna naka-focus si Alden ngayon.  At after ng taping, saka naman niya sisimulan ang movie na pagsasamahan nila ni Bea Alonzo.

 

 

Ang unang dinig namin, July ang tentative start ng shooting, pero posibleng umabot din daw ng August ang simula.  Bukod kina Bea at Alden, may isang child star rin na kasama sa movie at pina-block na rin ang schedule for the shoot.

 

 

Kaya siguradong dire-diretso na balik sa pagiging “actor” muli si Alden ngayong second half of the year.

(ROSE GARCIA)

Other News
  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 39) Story by Geraldine Monzon

    NAKABALIK na si Andrea sa tunay niyang mga magulang at sa mga susunod na araw ay magiging abala na sila para sa kanyang welcome party bilang si Bela. Habang si Jeff ay sinubukang kontakin si Jared upang malaman ang kinaroroonan ni Andrea. Pero nabigo siyang makakuha ng impormasyon mula sa binata.   “Malaman ko lang […]

  • Iba ang satisfaction niya sa ginagawang action scenes… RURU, wala pa ring balak na mag-stunt double kahit naaksidente na

    WALA pa rin daw balak si Ruru Madrid na gumamit ng stunt double para sa mga action scene niya sa Lolong.     Kahit na naaksidente siya kamakailan, game pa rin ang aktor na sumabak sa mga stunts na ‘di gagamit ng dobol.     “Sa totoo lang parang hindi pa rin eh. Aksidente ‘yung nangyari eh. But […]

  • SAMELA AUBREY, kinoronahan bilang ‘Miss Culture International 2021’; ika-apat na nanalo sa taong ito

    MULING nagwagi ang Pilipinas sa isang international beauty pageant at ito ay mula sa Miss Culture International 2021.     Ang nag-uwi ng korona ay ang ating representative na si Samela Aubrey Menda Godin sa naturang pageant na ginanap sa Lyric Theater in Gold Reef City, South Africa.     Bukod sa main title, napanalunan […]