• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KRIS, sinorpresa ng simpleng pa-birthday si MILES at binukong may ‘pinagdadaanan’

MAGKASUNOD na may binigyan ng simple na surprise pa-birthday si Kris Aquino.

 

 

Una na ang kanyang loyal and trusted P.A. na si Alvin Gagui at ang itinuturing na babaeng anak na si Miles Ocampo.

 

 

     Base sa video, natulog o nag-stay si Miles sa kanyang “Nanay Kris.”  Hindi lang kami sure kung sa buong araw ng birthday niya, si Kris at Bimby ang kasama ni Miles at hindi ang kanyang mga magulang at kapatid.

 

 

Maagang natulog si Kris at halatang may sakit nga ito, kaya 4:30 ng hapon nang batiin na nila si  Miles. Touch na touch naman ang young actress dahil parang may seal na talagang babaeng anak siya ni Kris at sinabi pang “Miles Cojuangco Aquino” ito.

 

 

Nagkasama ang dalawa dati sa seryeng Kailangan Ko’y Ikaw may walong taon na ang nakararaan, pero consistent ang naging closeness nilang dalawa bilang mag-nanay-anak.

 

 

Kung sa kanyang P.A. na si Alvin ay nabuking nito sa mga magulang nito ang P.A. na nagka-COVID-19 noong August at dalawang buwan silang hindi nagkita, si Miles naman, sa isang post ni Kris ay tila nabanggit niya na may “pinagdadaanan” ito pero, it’s not her (Kris) story to tell na raw.

 

 

Hmmm….

 

 

Wish ni Kris na sana raw, maging magaling o kilala itong director rin tulad nina Antoinette Jadaone at Joyce Bernal.

 

 

***

 

 

NAG-TRENDING na ang aktres na si Sunshine Dizon nang i-welcome na nga siya bilang bagong Kapamilya sa Twitter at natuwa ito.

 

 

Hindi lang daw niya alam kung naïve lang talaga siya, pero, nagulat at natuwa siya na big deal daw pala.

 

 

Pero halatang mas natuwa at sabi nga niya ay kinilig siya dahil noong Sabado, nag-trending na naman siya sa Twitter Philippines.  Ang hashtag na Sunshine Dizon as Dr. Foster ang nag-trend.

 

 

Sabi ni Sunshine, “Hala seryoso nga. I’m super duper flaterred. Kayo na at sakalam.”

 

 

     Nagsunod-sunod na ang tweet nito nang, “Uy seryoso kinilig akong makita yung pangalan ko nag-trend at mga Kpop.  Parang feeling ko tuloy bigla I belong.  Nilamon na din ako ng kdrama. Maraming Salamat sa inyo.

 

 

     “This is really one of my proudest moment as kdrama fan. Thank you.”

 

 

Hindi rin makapaniwala si Sunshine na kahit daw madaling-araw na, nagti-trending pa rin siya at tuwang-tuwa ito na 20k tweets na, kalahati na raw sa tweet na nakuha ng Vincenzo.

 

 

Ang Vincenzo ang kasalukuyang K-drama ni Song Joong Ki at nasa finale episode na kasi ito kaya mas maingay pa.

 

 

Sey ni Sunshine, “Hala kayo nasa 20k na kalahati ng Vincenzo iba rin. Matindi ata pinaglalaban at paninindigan natin today.”

 

 

At huling tweet niya, “Hala kayo alas dose na! Sorry naman last 2 episodes na lang kasi ng Vincenzo. Tulog na po.  Maraming Salamat sa di inaasahang labor day trending kasabay ni Vincenzo at BTS. Mahal ko kayong lahat.”

 

 

Nakausap naman namin si Sunshine tungkol nga sa Doctor Foster o The World of the Married na nakuha ng ABS-CBN ang rights for adaptation. Na noong malaman na Kapamilya na nga siya, biglang pumutok at naging maingay ang pangalan niya na siyang choice ng ilang netizens na gumanap bilang si Dra. Ji.

 

 

At dahil nga raw ang daming nagta-tag sa kanya, pinanood niya ito at natapos daw niya ng apat na araw lang. Gandang-ganda si Sunshine at kung ibibigay nga raw sa kanya, “why not, ‘di ba?,” sey niya.

 

 

Wala naman daw nababanggit sa kanya at never na napag-usapan kasabay ng paglipat niya dahil at present, ang project niya sa Dos ay ang Marry Me, Marry You.  Pero kung kailangang mag-audition, willing daw siyang gawin.

 

 

Sabi pa niya, “Sobrang relate! Ha ha ha!  Actually, parang kahit nakapikit ang mata ko, kaya ko siyang gawin. Ha ha ha!

 

 

***

 

 

NAKAUSAP namin ang Kapuso star na si Dave Bornea at nalaman namin na naging COVID-19 positive rin pala ito nitong March 2021 lang.

 

 

Makokonsider raw niyang asymptomatic siya dahil wala naman daw siyang ano mang symptoms na naramdaman, pero dahil kasama raw niya sa bahay ang iba pang mga kaibigan niya from Cebu at kasamang dancers din, umalis daw muna ang mga ito at nag-isolate siyang mag-isa sa bahay.

 

 

Si Dave ang leading man ni Pauline Mendoza sa GMA afternoon prime na Babawiin Ko Ang Lahat Sa Akin at natutuwa ito dahil kahit pandemic, may mga works pa rin daw na pumapasok. Sa movie ay leading man naman siya ni Edgar Allan Guzman sa Ang Huling Baklang Birhen under Direk Joel Lamangan.

 

 

At speaking of “bakla,” aware na aware ang leading man ni Pauline na marami ang nagpapantasya sa kanya. Hindi nito itinanggi na nakatatanggap ng mga indecent proposal dahil na rin siguro sa mga hubad na katawan niyang pino-post sa social media.

 

 

Katwiran ni Dave, “Kaya lang naman po ako nagpo-post, summer kasi, mainit.”

 

 

Pero yun nga, may mga nagpi-presyo raw sa kanya o tinatanong siya kung magkano price niya. Hindi naman daw nao-offend si Dave dahil para sa kanya, it’s also a form of admiration.

 

 

Wala naman daw siyang sinasagot dahil una sa lahat, hindi naman daw niya kilala ang mga ito.  (ROSE GARCIA)

Other News
  • DOH, tiniyak na matatanggap sa lalong madaling panahon ng mga health care workers ang COVID-19 benefits

    SINIGURO naman ng Department of Health (DOH) na matatanggap na sa lalong madaling panahon ng mga health care workers ang kanilang mga COVID-19 benefits.     Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire nagsumite na rin ng mga kaukulang dokumento sa Department of Budget and Management (DBM) upang maipaluwal na ang pondo para sa mga […]

  • Pagpapalabas ng P3 bilyong karagdagang pondo ng DSWD, aprubado na ng DBM

    PARA patuloy na mabigyang tulong ang mga indibidwal at mga pamilyang nangangailangan, inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng karagdagang pondo na nagkakahalagang P3 bilyon para sa kinakailangang budget para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.     Inaprubahan ni DBM Secretary Amenah F. Pangandaman ang pagpapalabas […]

  • Face to face classes sa Enero 2021, kanselado

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanselasyon ng face-to-face classes, na nauna nang inaprubahan ng Department of Education (DepEd) na magdaos ng pilot study sa Enero 2021. Ang kautusan ng Pangulo ay inihayag nito nang pangunahan ng Chief Executive ang Inter-Agency Task Force (IATF) meeting kasama ang mga infectious diseases experts kagabi, Disyembre 26, […]