• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kristian Yugo Cabana nilangoy unang ginto sa Batang Pinoy

VIGAN CITY – Nilangoy agad ni Kristian Yugo Cabana ng Lucena City ang unang gintong medalya sa PSC-Batang Pinoy National Championships – Boys Under 12 swimming na ginanap sa Quirino Stadium, Sabado.

 

Nagtala si 12-year-old Cabana ng 2:29.50 minuto sa 200 LC Meter IM sapat upang ikuwintas ang gintong medalya sa event na inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pamumuno ni chairman Jose Emmanuel “Noli” M. Eala.

 

“Very proud po ako at nagulat ako sa time ko,” saad ni Cabana na pangarap maging Olympian pagdating ng araw.

 

Ang nasabing edition ng batang Pinoy ay suportado ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor), Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Education (DepED) kasama ang Milo Philippines, Pocari Sweat, Otsuka Solar Philippines, Universal Robina Corporation, Coca-Cola Beverages Philippines, Globe Telecom at Beautéderm.

 

Nakopo ni Kevin Bryle Chan ng Valenzuela City ang silver sa nirehistrong 2:33.40 minuto, habang bronze si Daniel Jonas Ocampo ng Angeles City matapos ipasa ang oras na 2:35.30 minuto.

 

Naikuwintas naman ni Kyla Louise Bulaga ang gold medal sa Girls 12 & Under ng La Union Province (2:44.45), habang silver at bronze sina Makayla Bettina Fetalvero ng Ilocos Sur (2:51.80) at Eunice De Guzman ng Bulacan (2:52.59).

 

Ikakasa ngayong araw ang cycling, chess, athletics, archery at weightlifting, simula na rin ang virtual sports na wushu at muay. (CARD)

Other News
  • JOHN, napakahusay ng pagganap bilang isang commentator-journalist kaya ‘di nakagugulat na nagkamit ng ‘Volpi Cup for Best Actor’

    MASAYA si Rex Lantano sa naging reception ng audience worldwide sa Love at the End of the World pero ang wish niya ay makapasok sila sa Netflix para mas marami pang makapanood sa pelikula.     Sa naganap na press preview ng last three episodes ng movie last Tuesday, hindi makatingin si Rex sa screen […]

  • 2,500 trabaho alok sa Manila job fair

    NASA 2,500 na bakanteng trabaho sa Maynila ang inaalok sa gaga­naping job fair na bukas din maging sa mga elementary o high school graduates.     Sinabi ni Manila Mayor Honey Lacuna na isasagawa ng pamahalaang lungsod ng Maynila bukas, Setyembre 25, 2024, ang “Kalinga sa Maynila PESO Job Fair” bilang highlight ng lingguhang regular […]

  • Panawagan ng Tsina na paghahanda para sa sea row; walang bago-PBBM

    WALANG bago sa naging panawagan ni Chinese President Xi Jinping sa armed forces na makipagtulungan para sa paghahanda para sa mga military conflicts sa karagatan. ”Well frankly I don’t think there is anything new there. That’s what they’ve been doing already. They have defined the 10-dash line and they continue to defend it. For our […]