‘Kristine’ posibleng maging super typhoon
- Published on October 24, 2024
- by @peoplesbalita
PINANGANGAMBAHANG aabot sa 30 milyong indibidwal habang 18,000 barangay ang lulubog at pagguho ng lupa sa iba’t ibang rehiyon sa bansa ang maapektuhan ng Tropical Depression Kristine.
Ito’y ayon kay Office of Civil Defense (OCD) administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno kahapon bunsod ng pangamba na maging super typhoon ang bagyong Kristine.
Ayon kay Napomuceno, sa impormasyon mula sa Mines and Geosciences Bureau (MGB), nasa 18,000 barangay ang nasa panganib ng pagguho ng lupa at pagbaha na dulot ng ulan, partikular sa Central Visayas, Cordillera Administrative Region, Eastern Visayas, Ilocos Region, MIMAROPA, Northern Mindanao, SOCCSKSARGEN, Kanlurang Visayas, at Zamboanga Peninsula.
Sa National Capital Region naman, may kabuuang 1,403 barangay din ang vulnerable sa landslide at baha dahil kay Kristine, kabilang ang mga lugar sa Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela, Pasay, Pateros, Las Piñas, Makati, Muntinlupa, Parañaque, Taguig, Quezon Lungsod, Mandaluyong, Marikina, Pasig, San Juan, at Maynila.
Sa bulletin ng PAGASA, sinabi ni deputy administrator for operation Engr. Juanito Galang, ang bagyong Kristine ay nakikitang makakapareho ng lakas ng Super Typhoon Lawin na tumama sa bansa noong taong 2012.
Sa ngayon anya ay halos buong bansa ang naaapektuhan ng bagyong Kristine partikukar sa Northern Luzon gayundin sa Bicol Region, Southern Luzon at Metro Manila.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa 15 lugar habang si Kristine ay gumagalaw sa ibabaw ng Philippine Sea.
Sinabi ng PAGASA na si Kristine ay nasa layong 870 kilometro silangan ng Eastern Visayas, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong 70 kph, at kumikilos pakanluran timog-kanluran sa bilis na 30 kph.
Inaasahang magla-landfall si Kristine sa Northern Luzon sa Biyernes. (Daris Jose)
-
Sen. Tito, nag-file ng bill para sa bagong prangkisa ng ABS-CBN
NATUTUWA kami dahil nag-file ng si Senator Tito Sotto para mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN. Pero sana ay inayos muna ni Senator Tito ang kanyang statement regarding the said bill para hindi siya napupulaan ng mga netizens. Sabi kasi ng senator na he is filing a bill for the renewal of the franchise […]
-
Eala itutuloy ang astig sa taong 2021
MAGPAPAHINGA na muna mula sa mga kompetisyon si Alexandra ‘Alex’ Eala. Maganda na rin ang taon para sa Pinay tennis sensation, kahit sabihin pang may pandemyang Coronavirus Disease 2019 o Covid-19. Ito’y dahil sa nagkampeon ang 15-anyos na atleta sa 108th Australian Open 2020 Juniors girls doubles kasama si Indonesian Priska Nugroho bilang fourth […]
-
8 biktima ng Human Trafficking sa Israel, ni -rescue
SA kabila ng nagaganap na krisis sa Israel, na-rescue ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang walong biktima ng human trafficking n ani-recruit upang magtrabaho sa nasabing bansa. Ayon sa Bureau of Immigrations (BI) immigration protection and border enforcement section (I-PROBES) ang babaeng trafficker kasama ang mga biktima ay tinangkang sumakay ng Emirates […]