• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kung kailan pa nagka-edad saka pa napasabak: JOKO, walang kiyeme sa mga daring scenes nila ni AYANNA

KUNG kailan pa nagka-edad ang dating action star na si Joko Diaz ay saka pa siya napasabak sa matitinding love scenes tulad na ginawa niya sa Siklo at ngayon naman sa bagong sexy-psycho-thriller movie ng Viva Films na Kinsenas, Katapusan.

 

 

Base sa trailer ng pelikula, wala ngang kiyeme si Joko na daring scenes nila ni Ayanna Misola, ang isa sa newest sexy stars ng Viva Artists Agency.

 

 

“Naisip ko nga na parang, wow, bakit ngayon pa,” sabi ng aktor sa virtual mediacon.

 

 

“Noong bumalik ako sa Viva, nag-usap kami ni Boss Vic (del Rosario), na parang tatay ko na dahil ulila na ako sa magulang.

 

 

“Pinagkatiwala niya sa akin ang project na ito, nagpaalam na ako sa misis ko, at nagtitiwala naman kami kay Boss Vic at hindi naman kami pababayaan.”

 

 

Sa unang pagkakataon na sumabak nga ang aktor sa isang May-December love affair kung saan ang gaganap siya bilang Conrado ay mai-involve sa babaeng kaibigan ng kanyang anak na gagampanan nga ni Ayanna na unang napanood sa mga hit na pelikulang #Pornstar 2: Pangalawang Putok, at Siklo.

 

 

Natanong naman si Ayanna kung posible nga ba siyang ma-in love sa older guy tulad ng role niya sa pelikula.

 

 

“Posible po, kasi palagi naman mas matanda sa akin, dahil ayoko sa bata,” pag-amin niya.

 

 

“Para kasing immature at hindi pa responsible.”

 

 

Iikot ang kuwento ng Kinsenas, Katapusan sa buhay ni Conrado, isang successful businessman at may mabait at mapagmahal na asawa, at isang dalagang anak.

 

 

Makikilala niya si Beth (Ayanna) online, isang batang babae na may madilim na nakaraan. Nagsimula lamang sila sa mga video call, at di nagtagal ay nagsimula na silang magkita nang personal.

 

 

Inilihim ni Conrad sa kanyang pamilya ang pagkikita nila ni Beth, hanggang sa bumisita si Beth sa kanilang bahay at madiskubre niya na si Beth ay kaibigan pala ng kanyang anak.

 

 

Ngayon, hindi lang ang buhay ni Conrad, kundi pati ng kanyang pamilya ang nanganganib kapag nalaman niya ang madilim na katotohanan sa nakaraan ni Beth.

 

 

Ang Kinsenas, Katapusan ay mula sa award-winning director na si GB Sampedro, na nag-direk ng action-drama movie na Astig, at ang VIVAMAX original sexy-comedy movie na Kaka at Crush Kong Curly.

 

 

Gagawa si direk GB ng marka sa sexy-psycho-thriller movie genre sa mainit at exciting na istorya na maraming twists nito.

 

 

Kasama rin sa pelikula sina Jamilla Obispo, Janelle Tee, Angela Morena, at Kier Legaspi.
Kaya feel the heat and thrill ng Kinsenas, Katapusan ngayong February 4 streaming online sa VIVAMAX Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East, Europe, Canada at America.

 

 

Mas affordable, mas madami at mas madali na ang mag-subscribe (www.vivamax.net) kaya naman #SubscribeToTheMax na sa best Pinoy Movie Streaming App, VIVAMAX!

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Gawilan, flag bearer sa Asean Para Games

    LABIS ang pasasalamat ng Pinoy swimmer na si Ernie Gawilan matapos mapiling flag bearer ng bansa para sa gaganaping ASEAN Para Games dito sa bansa sa Mayo.   Ayon kay Gawilan, lubos ang kanyang pagkagalak sa natatanggap na biyaya, na siya raw magmo-motivate sa kanya upang lalong magpursigi.   “Lubos ang aking pagkagalak sa natatanggap […]

  • ‘Taylor Swift: The Eras Tour’ Box Office Smashes All-Time Record In Just 5 Days

    Taylor Swift: The Eras Tour has broken a major box office record, despite only played in theaters for five days.      The concert documentary is a recorded version of the global pop star’s blockbuster Eras Tour, in which she performs a series of mini-sets featuring music and costumes from various periods throughout her career, which […]

  • Malakanyang, ayaw makisawsaw sa panibagong girian sa liderato ng Kamara

    DEDMA lang ang Malakanyang sa umanoy pag-init na naman nang tunggalian sa pagitan ni House Speaker Alan Peter Cayetano at Cong. Lord Allan Velasco   Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, ang mga kongresista lamang ang dapat na magresolba nang usapin at kung ano ang kasunduan na nabuo ang dapat sundin.   Wala ring nakikitang […]