Kung matutuloy mag-guest sa ‘Bubble Gang’: MICHAEL V., nakaisip na agad ng project na pwede nilang gawin ni VICE GANDA
- Published on July 4, 2023
- by @peoplesbalita
NGAYONG nasa GTV na ang noontime show na “It’s Showtime,” naging open na ang main host nito na si Vice Ganda na type niyang mag-guest sa mga GMA shows. Kaya naman nakaisip agad si Michael V. ng isang project sakaling gustong mag-guest ni Vice sa “Bubble Gang.”
Ayon pa kay Bitoy, open daw si Vice sa collaboration, at noong nag-meet sila minsan, sabi nito sana ay makapag-guest sa “Bubble Gang.” At alam ni Bitoy kung ano ang gagawin nila ni Vice Ganda, iyong popular niyang character na Mr. Assimo. Tamang- tama na may bago na silang timeslot simula sa July 9, every Sunday, at 6:00 pm sa GMA-7.
***
DAMA namin ang happiness ni Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose, habang kausap namin.
Kita rin namin iyon sa kanyang mga ngiti, kapag binabanggit namin ang pangalan ni Rayver Cruz, na hindi na nga lihim ang maganda nilang relasyon. Biniro namin si Julie kung balak na nilang magpakasal, napahalakhak siya sabay sabing, “ewan ko sa kanya!” Pero happy si Julie dahil pasisimulan na raw niya ang pagpapatayo ng isang vacation house her family sa nabili niyang lote sa Tagaytay. May balak na rin ba sila na magkaroon ng business sila ni Rayver? “Sa ngayon po kasi may clothing business kami ng sister ko. Si Rayver nga po ang model namin ng men’s clothing at gratis et amore po ang talent fee niya,” natatawang wika pa ni Julie. This week ay naka-schedule nang umalis sina Julie at Rayver for some shows in Canada. “Pero mauuna pong bumalik dito si Rayver, kasi may show pa ako, at si Rayver naman ay may sisimulang bagong teleserye. Sa July 26 naman ang opening ng “The Cheating Game” na first movie team up nila for GMA Public Affairs and GMA Pictures.
(NORA V. CALDERON)
-
Ads February 24, 2020
-
BBM planong gamitin sa buong bansa ang estilo ng agrikultura sa N. Ecija
IBINUHOS ng mga taga- Nueva Ecija ang kanilang buong suporta para sa UniTeam sa muling pagbisita ni presidential frontrunner former Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa lalawigan sa pangatlong pagkakataon nitong Biyernes. Sa kanyang talumpati sa SMDC, Barangay Sta. Arcadia, sa Emilio Vergara Highway, Cabanatuan City, pinuri ni Marcos ang lalawigan para sa […]
-
Diokno: Aayusin ni Robredo ang pandemya
KUMPIYANSA si senatorial aspirant at human rights lawyer Chel Diokno na maaayos ni Vice President Leni Robredo ang mga problemang dulot ng COVID-19 kapag siya ang nanalong pangulo sa darating na halalan sa Mayo. Idinagdag pa ni Diokno na malaki ang maitutulong ng panukala niyang Pandemic Management Council (PMC) para maresolba ng Bise […]