• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kung pinuri noon sa ginawang pagpapatawad: CHERRY PIE, hanga sa katapangan ni VP LENI kahit patuloy na binabatikos at binabastos

SA kanyang IG Post ay nagpasalamat si Edgar Allan Guzman (ea_guzman) sa GMA Network, Arnold Vegafria, Gigi Lara, Daryl Zamora, at Sparkle GMA Artist Center at ALV Talents para sa bago niyang project.

 

 

May special thank you si EA kay Ms. Helen Rose Sese na nagbigay sa kanya ng tiwala at greenlight para gampaman ang role ni Frank Querubin sa bagong GMA telebabad offering titled Widows Web.

 

 

“It is definitely the most challenging role na nagawa ko sa isang teleserye,” posted EA sa kanyang IG account. “Grabe ‘yung emosyon ng character. Thank you again from the bottom of my heart.”

 

 

Based sa teaser ay mukhang very interesting ang kwento ng Widows Web. Maraming pagsubok na dadaanan ang karakter ni EA at ang partner niya na si Pauline Mendoza.

 

 

Hindi naman bago kay EA ang pagganap ng challenging roles. Whether bida or kontrabida, laging maasahan si EA in coming up with a good performance always.

 

 

Sa February 28 na ang pilot telecast ng Widows Web sa GMA 7.

 

 

***

 

 

UMANI ng papuri ang aktres na si Cherry Pie Picache sa kanyang katapangan nang patawarin niya ang pumatay sa ina ilang taon na ang nakalipas.

 

Ngunit kahit na itinuturing bilang isa sa magandang halimbawa ng katapangan at radikal na pagmamahal, sinabi ni Picache na bilib siya kay Vice President Leni Robredo sa kanyang katapangan kahit pa inuulan ng batikos, pambabastos at fake news nang mahigit limang taon na.

 

“Mayroon nga akong kilala, limang taon siniraan, binastos, winalanghiya, pero araw-araw pinili niya pa rin na gawin ang tama, iyong manindigan, mag-alaga na may pagkalinga at nang buong katapatan,” wika ni Picache sa isang video message.

 

      “Kaya may matapang sa akin. Si Leni Robredo iyon. Katapangan iyong piliin ang paninindigan, iyong pagsilbihan ang mga tao kahit sinaktan, iyong ipaglaban ang katotohanan kahit na alam mong mas makapangyarihan sa iyo ang babanggain mo,” dagdag pa niya.

 

Para kay Picache, kabutihan ang pinakamataas na uri ng katapangan at personal niya itong nasaksihan kay Robredo, na walang pagod na nagtatrabaho para sa taumbayan sa kanyang mga programa at plano.

 

      “Kabutihan ang pinakamataas na uri ng katapangan. At hindi madali iyon ha. Pero biyaya iyon para maisabuhay mo ito. Lahat iyon, nakita ko at patuloy na ipinapakita sa ating lahat ni Leni Robredo,” wika pa niya.

 

Tinakalay naman ng kapwa aktres na si Nikki Valdez ang “women power” sa kanyang video message sa gitna ng mga paratang na hindi kayang pamunuan ni Robredo ang bansa.

 

      “Pero kasi hindi totoo iyan. Iba, iba ang lakas ng kababaihan. Hindi ako naniniwala na kahinaan ang pagiging babae. Kasi alam niyo kung ano ang mas matibay sa kamay na bakal, ginintuang puso at busilak na kalooban,” giit ni Valdez.

 

      “Kaya kapag babae, lalo na kung isang mabuting ina ang mamumuno sa ating bayan, malayo ang ating mararating. Isang babaeng tapat, mahusay at hindi nagpapatinag sa anumang paninira at kasinungalingan,” dagdag pa niya.

 

Kung buhay lang ang kanyang ina, sigurado si Picache na isa lang ang pipiliin nilang kandidato sa pagkapangulo sa halalan sa Mayo.

 

“Iyong pinakamatapang na ina at lider na kilala ko. Si Leni Robredo,” pagtatapos niya.

 

Bilang patunay sa mabuting pamamahala ni Robredo, natanggap ng Office of the Vice President (OVP) ang pinakamataas na audit rating ng Commission on Audit (COA) sa tatlong sunod na taon pagdating sa paggamit ng pondo ng bayan.

 

Kahit maliit ang budget ng OVP, nakapaghatid pa rin si Robredo ng kailangang tulong sa ating mga kababayan tuwing may kalamidad at ngayong pandemya, kung saan inilunsad niya ang ilang programa gaya ng Bayanihan E-Konsulta, Vaccine Express, libreng COVID-19 testing, libreng sakay para sa frontliners, at mga programang pangkabuhayan at ayuda sa mga lubhang naapektuhan ng pandemya.
(RICKY CALDERON)

Other News
  • Gobyerno, muling ininspeksyon ang Malampaya gas-to-water project

    ININSPEKSYON ng mga opisyal ng gobyerno ang Malampaya deep water gas-to-power project sa offshore Palawan upang matiyak ang pagpapatuloy ng mga operasyon sa gitna ng inaasahang kakulangan ng suplay ng kuryente.     Sinabi ni Enrique Razon na pinangunahan ng Prime Infrastructure Capital Inc. (Prime Infra) na ang mga opisyal mula sa Department of Energy […]

  • Abangan ang Christmas Special ng ‘TikTalks’: Usapang totoo kasama sina KORINA, KAKAI, G3, PATP, at ALEX

    ITO na ang talk show na naiiba yata sa lahat – truly different from the rest.  “Well, we designed it that way – that it be different. Real talk. Real people representing different tribes. No holds barred. Kaya edit nalang kami nang edit, hahaha,” sabi ng mga co-producers na sina Korina Sanchez Roxas at Jojie […]

  • Tax break sa e-motorcycles posible sa pagrepaso sa EV incentives

    NAKATAKDANG repasuhin sa susunod na linggo ang executive order na nagbabago sa tariff rates para sa electric vehicles (EVs), kung saan posibleng maisama ang e-motorcycles sa listahan ng mga sasakyan na nakikinabang sa tax breaks.     Naunang sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) chief Arsenio Balisacan na ang Executive Order No. 12, […]