Kung plantsado na ang kasal nina Shaira at EA: LEXI, three years palang karelasyon si GIL kaya ‘di nagmamadali
- Published on May 22, 2024
- by @peoplesbalita
KUNG plantsado na ang kasal nina Shaira Diaz at EA Guzman sa 2026, hindi naman nagmamadali sina Lexi Gonzales at Gil Guerva.
Tatlong taon na ngayon ang relasyon ng dalawa pero ayon kay Lexi…
“I think it’s because we’re just taking it easy, kasi we’re not rushing into things pa naman Tito Boy.”
Sa recent guesting ni Lexi sa ‘Fast Talk with Boy Abunda’, sinabi pa nitong…
“Whatever comes to us each day, we just take it together. Pero binibigyan din namin ng chance ‘yung isa’t isa to grow on our own. So I think ‘yun po ang important.”
Ongoing ang Running Man Philippines season 2 kung saan isa si Lexi sa runners.
“Sasapakin!” ang pagbibirong sagot ni Lexi kung ano ang gagawin niya kapag may babaeng maglalandi kay Gil.
Joke lang iyon ni lexi dahil hindi naman raw siya territorial na girlfriend kay Gil.
“No naman po. I let him go out with his friends whenever he pleases.
“Siyempre huwag naman siyang super wasted kapag umuwi.”
At lalong walang problema kay Lexi kahit sino ang maging leading lady ni Gil sa anumang proyekto.
***
SINABI ni Paolo Contis na ayaw niya ang term o salitang “bakla”!
“Ayoko yung term na bakla,” bulalas ni Paolo.
“We’re all human beings, ganun lang kasimple ‘yun. Hindi ko alam kung bakit nagkaroon ng ‘babae,’ ‘lalaki,’ ‘bakla.’ I mean, it’s just too much.”
Naganap ang rebelasyon ni Paolo sa ‘Fast Talk With Boy Abunda.’
Dagdag pa ni Paolo…
“Everyone, pare-pareho tayong nabubuhay, pareho tayong nagmamahal ng pamilya. Gusto lang naman natin maging masaya, minsan nasasaktan.
“Pantay-pantay tayo. Yun lang ang natutunan ko sa mga kaibigan natin LGBTQ+. I mean, we’re all human beings, we don’t need to demand respect, we just need to be respected.”
“It’s a birthright.”
Incidentally, sa bagong pelikula si Paolo na “Fuchsia Libre” ay isang gay na MMA fighter ang role ni Paolo.
“Sobrang fun. I was able to work with the Philippine Wrestling Federation… and siyempre yung mga kaibigan nating mga gay kasama rin natin of course. Sa industriya marami at mahal na mahal ko naman yan. And I’m very happy that I was given the opportunity na makapag-play, at sana nagawan ko ng hustisya ‘yung pag-play ko bilang gay.”
(ROMMEL L. GONZALES)
-
500 persons/ staff ng NBA na inilagay sa isolation
NAPAKALAKING sakit din daw sa ulo ng NBA organization ngayon ang nasa mahigit 500 mga staff na isinailalim sa quarantine bunsod ng COVID pandemic. Ang naturang bilang ay mula sa mahigit 2,500 na mga staff. Kasama sa mga staff na inilagay sa safety at health protocols ay mga equipment managers, video […]
-
Qatar football team hindi ipapahiya ang bansa sa hosting nila ng FIFA World Cup
KABILANG sa apat na koponan ng Group A ng FIFA World Cup 2022 ang host country na Qatar. Sa kasaysayan kasi ng FIFA ay ito ang unang pagkakataon na maging host ang isang Arab nation. Noong Disyembre 2010 pa ng ianunsiyo ng FIFA ang hosting ng Qatar. Noong 2011 […]
-
‘Build, Build, Build’, matagumpay ba? Ni-rate ng mga Presidential bets
MAAARING magpatuloy ang sinasabing legacy ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ‘Build, build, build” subalit kailangan ng malawakang improvement nito. Ito ang inihayag ng karamihan sa presidential hopefuls sa presidential debates na inorganisa ng Commission on Elections (Comelec), araw ng Sabado. At nang hilingin sa mga presidential hopefuls na i-rate ang […]