TANONG namin kay Angel Guardian ay kung itinodo ba niya ang effort niya sa mga race sa season 2 ng ‘Running Man Philippines’ dahil siya ang Ultimate Runner sa season 1.“Actually this season po mas focused ako sa… na mag-enjoy ako. Kasi parang last season ang nasa isip ko is parang I play to win.

 

“Pero this season parang I play more to enjoy!“Iyon talaga yung sinet ko sa utak ko na, ‘Siguro okay na yung last season na talagang buhos lahat, buong lakas, lahat-lahat.“Siguro this season, aim… competitive pa rin naman ako pero hindi na… iba na yung mindset ko, mas focused na ako na iyon nga, mag-enjoy, maka-bonding yung mga runners, and makita kaming lahat na nag-e-enjoy, lahat nananalo.“Ayun,” ang pahayag ni Angel.Ang iba pang runners sa season 2 na gaming rin sa season 1 ay sina Glaiza de Castro, Kokoy de Santos, Lexi Gonzales, Buboy Villar at Mikael Daez, at ang pinakabagong runner na si Miguel Tanfelix.Hindi rin naman nangangahulugan na naging “relaxed” na siya sa mga race nila dito sa Season 2, na kahit hindi siya manalo this time ay okay lamang.“No po, kasi parang… iyon yung essence ng Running Man e, kasi alam mo yun, parang every mission we have to give our all.“Para rin sa mga audience, para rin ma-enjoy nila, para rin mag-appear sa screen na, alam mo yun, competitive kami, pero we enjoy.“And we want to show that to people, I want to show that to people.”

 

***

 

HORROR ang ‘Sem Break’ na bagong series ng Viva One, at may sariling horror story sa tunay na buhay si Jerome Ponce.

 

“Ako kasi so many years since bata ako and naniniwala ako sa multo, na ngayon ang paniniwala ko is more on soul, hindi yung mga multo, kaluluwa.

 

“Magkaibang-magkaiba iyon sa akin, yung kaluluwa yung may mga hindi natapos na misyon dito, mga hindi pa nila gustong ano kasi hindi nila matanggap.

 

“Experience-wise yung sa tita ko, kapatid ng dad ko, business kasi namin before is xerox machines, so ang nangyari merong bahay si Papa dati sa Makati.

 

“Hindi pa ako pinapanganak nun.

 

“May salamin sa may hagdanan, sobrang taas talaga, pataas.

 

“Ngayon sabi nila tuwing dadaan sila doon may nakikita silang white lady, legit talaga.

 

“Sabi daw huwag daw gagalawin iyon, hayaan lang. “Ngayon binili agad ng tita ko na iyon sa Papa ko yung bahay, sila na ang tumira dun.

 

“Kaya pala gustong huwag paalisin or binili nila kaagad, suwerte daw yun.”

 

Yumaman raw nang bongga ang tita ni Jerome.

 

Sa ‘Sem Break’ ay co-star nina Jerome at Krissha Viaje sina Aubrey Caraan, Hyacinth Callado, Gab Lagman, Keann Johnson, Dani Zee, Rose Van Ginkel at Felix Roco.

 

May fresh episode tuwing Biyernes, ang ‘Sem Break’ ay sa direksyon ni Roni S. Benaid.

(ROMMEL L. GONZALES)