Kung understated si Ruffa bilang Madam Imelda Marcos: DIEGO at ELLA, naging mahusay ang pag-arte dahil kaeksena si CESAR
- Published on August 2, 2022
- by @peoplesbalita
KUNG attendance lang ang basehan para masabing successful ang isang event, masasabing matagumpay ang red carpet premiere ng ‘Maid in Malacanang’ na ginanap noong Friday, July 29 sa SM The Block Cinemas 1, 2 and 3.
Maraming dumalo sa premiere ng movie. Hindi lang namin alam kung puno lahat ang tatlong sinehan kung saan nagana pang screening dahil nasa Cinema 2 lang kami. Pero maraming tao na dumating, kabilang ang ilang celebrities at cast ng pelikula.
Tungkol naman sa movie, pinakagusto namin ang eksena ni Cesar Montano kasama anak niyang si Diego Loyzaga at ‘yung eksena niya with Ella Cruz.
Siguro dahil si Cesar ang kanilang kaeksena kaya mahusay ang acting nina Diego at Ella.
Masyadong understated naman ang acting ni Ruffa Gutierrez as Madame Imelda Marcos.
Ang budget na P500,000 para sa catering noong red carpet premiere ay ibinigay sa mga biktima ng lindol sa Ilocos at Abra.
“We hope viewers will understand the simple opening night of our film. Enough for me and my family to show our side of the story and history. It is more important now that we help our countrymen affected by the earthquake,” pahayag ni Senator Imee Marcos sa kanyang statement.
***
MAY netizen na pinuna ang pagiging matambok ng pisngi ni Ms. Nora Aunor, ang bagong hirang na National Artist for Film and Broadcast Arts.
Nagtataka ang netizen kung bakit sobrang matambok ang pisngi ng ating Superstar. Dagdag niyang katanungan ay kung nasobrahan daw ba ito sa pagpapa-botox.
Sabi ng isang kaibigang reporter na malapit kay Ate Guy, dahil daw sa iniinom na medication ng aktres kaya tumaba ang pisngi nito.
May mga gamot kasi na may sangkap na nagiging sanhi para mag-bloat ang anumang parte ng ating katawan.
Samantala, nais namin i-congratulate si Ate Guy sa kanyang parangal na Natatanging Alagad ng Sining at Susan Roces Celebrity Award na iginawad sa kanya ng FAMAS sa ika-70th awards night nito last Saturday.
Wish namin na sana maipalabas na ang ‘Kontrabida’ movie na pinagbibidahan niya na dinirek ni Adolf Alix, Jr. para sa production ni Joed Serrano.
(RICKY CALDERON)
-
PBBM inaprubahan EO sa wage, benefits hike ng government
APRUBADO na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang executive order na magbibigay ng umento sa sahod at dagdag sa mga benepisyo ng manggagawa sa gobyerno. Ito ay matapos lagdaan kahapon ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang Executive Order No. 64. Nasa ilalim ng nilagdaang EO 64 ni Bersamin ang updated na […]
-
Halos 13k katao apektado ng lindol sa Abra
LALO pang dumami ang mga naapektuhan ng magnitude 7.0 na lindol mula sa hilagang bahagi ng Luzon, bagay na nag-iwan na ng apat na patay at mahigit isang daang sugatan. Ito ang pahayag ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) patungkol sa pagyanig nitong Miyerkules na siyang nagmula sa epicenter na […]
-
Thirdy balik Gilas Pilipinas
Muling pumasok sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna ang Gilas Pilipinas para paghandaan ang FIBA Asia Cup na idaraos sa susunod na buwan sa Jakarta, May 19 players ang nasa Calambubble kasama si Thirdy Ravena ng San-En NeoPhoenix. Nagbalik si Ravena sa pool matapos ang kanyang huling laro suot ang […]