KYLIE, nagulat at nasaktan sa akusasyon ni ALJUR kaya may hamong magkita na lang sa korte
- Published on October 27, 2021
- by @peoplesbalita
SA exclusive tell-all interview ni Kylie Padilla kay Jessica Soho noong October 21, na inere naman noong Linggo sa Kapuso Mo, Jessica Soho, isa-isa niyang sinagot ang akusasyon ng estranged husband na si Aljur Abrenica.
Na base sa pinost ng aktor, siya ang unang nag-cheat at sumira sa kanilang pamilya.
Pumayag nga si Kylie na magpa-interview kay Jessica, dahil aminado ang aktres na nagulat siya sa nilabas na statement ni Aljur. “‘Yung mga lumabas na statement, medyo nagulat din ako,” tugon niya.
“It’s unfair if I don’t have a say ‘cause I was part of the marriage. Dalawa kami.
“Gusto kong matapos ‘yung nangyayari sa ’min na friends kami but parang nagiiba yata ‘yung ihip ng hangin.”
Sagot pa ni Kylie sa pinag-uusapang isyu, “Ang dami kong pwedeng sabihin na ikakasira n’ya ‘cause we were both in the marriage but I choose to keep quiet na lang about the details.
“‘Di naman makakatulong sa’kin eh. He knows what he did wrong. I know what I did wrong.”
Sobra nga siyang nasaktan sa paratang na siya ang unang nagkaroon ng extramarital affair habang magkasama pa silang mag-asawa.
“Na-hurt ako, sobra, sa sinabi n’yang that I wrecked the family. Hindi ko in–expect ‘yun kasi we had an agreement – sabay tayong magpapa–interview para kahit after nito, kahit maghihiwalay na tayo, we’re still united front. Iisipin pa rin namin na family pa rin kami.
“In my defense, while we were formally married, I never had any extramarital relationships with other men. That is my truth,” paglilinaw pa ni Kylie.
Dagdag pa niya, “Okay sana kung ginawa ko eh. I would say ‘I’m sorry.’ Pero hindi talaga eh. And that’s what they keep at throwing at me! Paano naman ako aamin sa bagay na hindi ko naman ginawa?”
At sa para bang paninisi ng aktor na siya ang may kasalanan sa nangyari sa kanilang relasyon…
“And if we play the blaming game, what are we gonna get if we try to attack each other online? I mean, who is it helping? Let’s do it in court na lang kung gusto mo ng ganyan labanan.”
Sa kabila ng nangyari sa kanila ni Aljur, iniisip pa rin ni Kylie ang kanilang mga anak dahil ayaw niyang lumaki ang mga ito na nag-aaway ang kanilang mga magulang.
Kung pwede lang sana na ma-save pa rin ‘yung friendship nila ni Aljur at ‘di magbatuhan ng kasiraan. Para naman sa tuwing magkikita sila para kunin ang mga anak ay civil pa rin siya sa isa’t-isa, kahit na magkaroon na sila ng kanya-kanyang buhay.
(ROHN ROMULO)
-
2 kelot arestado sa baril sa Caloocan
KALABOSO ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng hindi lisensyadong baril makaraang magwala at masita sa paninigarilyo sa pampublikong lugar sa Caloocan City. Sa nakarating na ulat ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, nagsasagawa ng foot patrol ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 2 kahabaan ng 3rd Avenue, Brgy., 118, alas-9:00 ng […]
-
New Thriller ‘The Menu’ Will Take You To A Shocking Culinary Experience
ENYER a shocking and grisly culinary experience like no other with Searchlight Pictures’ “The Menu” starring Anya Taylor-Joy, Nicholas Hoult, and Ralph Fiennes now showing in Philippine cinemas. In “The Menu,” Margot (Anya Taylor-Joy) and Tyler (Nicholas Hoult) travel to a coastal island to eat at an exclusive restaurant where the chef (Ralph […]
-
Train law package 4, aprubado sa Komite
INAPRUBAHAN ng House Committee on Ways and Means ang panukalang Package 4 of Republic Act 10963, o “Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.” Dating tinawag na “Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act (PIFITA),” aamyendahan ng Package 4 ang ilang seksyon ng RA 8424 o National Internal Revenue Code (NIRC) of […]