KYLIE, tinawag na ‘Queen’ sa teaser ng kanyang pagbabalik-primetime at makakatambal si RAYVER
- Published on January 21, 2022
- by @peoplesbalita
WE are happy sa panalo ni Megastar Sharon Cuneta as Best Actress sa 6th GEMS Hiyas ng Sining Awards.
Our beloved megastar won for her performance sa Daryll Yap movie na Revirginized.
Aminado naman si Sharon na medyo may takot siya when she accepted Revirginized. Ibang-iba kasi ito sa mga movies na ginawa niya before.
It was some kind of experiment for her. Pero sabi naman ni Shawie na she wanted to do something different.
We were pleasantly surprised that Sharon won sa GEMS Awards. Mabibigat din naman ang mga nakalaban niya.
Siyempre happy ang mga Sharonians sa panalo ng kanilang idol. With her win, ma-inspire kaya si Sharon to accept another project meant for Vivamax?
Busy pa rin si Mega taping for FPJ’s Ang Probinsyano. Wala pa silang eksena ni Coco Martin, bagay na inaabangan ng kanyang mga fans.
Wish din ng Sharonians na makagawa sila ng movie ni Coco, na gusto rin matupad ni Sharon.
***
NAGBABALIK-PRIMETIME si Kylie Padilla via the GMA Drama sports series na may tentative title na #Bolera.
Gaganap si Kylie na billiard player.
Makakapareha niya sa series si Rayver Cruz. Kasama rin sa cast sina Jaclyn Jose, Gardo Versoza at ang nagbabalik-Pusong si Joey Marquez.
Sa teaser announcement nang pagbabalik ni Kylie ay tinawag siyang Queen.
Marapat ba na siya ay tawagin na Queen? Baka mag-react ang GMA Primetime Queen na si Marian Rivera?
Teka muna, ano ba ang basehan o criteria para maging karapat-dapat na tawaging “queen” ang isang artista?
Minsan kasi, kahit na parang di naman karapat-dapat, agad binibigyan ng titulo na queen of so and so ang isang artista, babae man o lalaki.
In fairness kina Nora Aunor, Vilma Santos, Sharon Cuneta, Maricel Soriano, ang tagal nila at stature sa industry ang naging basehan para sila ay tawagin na Superstar, Star for All Seasons, Megastar at The Diamond Star.
Hindi matatawaran ang husay at galing nila. Truly deserving sila of their title.
***
SUWERTE ang BenTria Productions sa maiden offering nila na Broken Blooms.
Nakatakdang magkaroon ng world premiere sa isang prestigious international film festival ang pelikula na dinirek ni Louie Ignacio mula sa script ni Ralston Jover.
Launching movie ni Jeric Gonzales ang Broken Blooms, na tinatampukan din nina Ms. Jaclyn Jose, Therese Malvar, Royce Cabrera, Boobay, Lou Veloso, Mimi Juareza, Cherry Alcala-Malvar at Rico Barrera.
Hindi pa raw pwedeng i-reveal kung saan international filmfest nakatakda ang world premiere ng pelikula. Pero tiyak na happy si Direk Louie sa balitang ito.
(RICKY CALDERON)
-
MGA PASAHERO APEKTADO ng MALING IMPLEMENTASYON ng NCAP
BAKIT tutol ang Lawyers and Commuters Safety and Protection (LCSP) sa maling implementasyon ng NCAP e hindi naman daw apektado mga pasahero ng public transport. APEKTADO PO ANG MGA PASAHERO. UUBUSIN NG MALING IMPLEMENTASYON ANG PUBLIC TRANSPORT KAPAG HINDI ITO NAAYOS. Bakit? Hardest hit ng NCAP ang public transport. Kaya ang panawagan […]
-
Hernandez pader kabanggaan
TULUY-TULOY na sa pagpapakondisyon maski may pandemya pa rin si Philippine SuperLiga (PSL) star Carlota ‘Carly’ Hernandez. Solong nagpapapawis nitong isang araw lang ang Marinerang Pilipina Lady Skippers upang masterin ang kanyang volleyball passing drills. Pinaskil sa Instagram story ng 21 taong-gulang at may taas na 5-6 na pader muna ang […]
-
Pagdiriwang ng 22nd Malabon Cityhood Anniversary
MALUGOD na tinanggap ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval, kasama si former Ricky Sandoval at City Administrator Alexander Rosete si Senador Cynthia Villar bilang Guest Speaker sa Gabi ng Parangal 2023 na ginanap sa Malabon City Sports Complex, kung saan binigyan ng pagkilala ang top business at real property taxpayers ng lungsod. Ang kaganapan ay […]