• November 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kyrie Irving palalaruin na rin sa limited games ng Brooklyn Nets

Inanunsiyo ngayon ng Brooklyn Nets na papayagan na rin nilang makalaro ang kontrobersiyal na All-Star guard na si Kyrie Irving.

 

 

Kung maalala mula nang magsimula ang NBA season ay hindi na nakalaro si Irving dahil sa mahigpit na patakaran ng New York laban sa mga players na hindi pa nagpapabakuna laban sa COVID-19.

 

 

Nilinaw naman ng Brooklyn na papayagan lamang nila si Irving bilang part-time player sa mga games na gagawin sa labas ng New York at Toronto.

 

 

Ginawa ng Brooklyn ang hakbang dahil na rin at umabot na sa pitong players ang hindi nakakapaglaro bunsod ng injuries at pag-quarantine sa mga ito kasama na ang isa pang superstar ng Nets na si James Harden.

 

 

Kabado rin ang koponan lalo na at sila ang top team sa Eastern Conference ay mawawala pa ang dating MVP na si Kevin Durant upang pagpahingahin muna.

 

 

Ang next road game ng Nets ay sa Dec. 24 laban sa Blazers.

Other News
  • PNP sa publiko: Pagdiriwang ng Pasko, limitahan lang sa ‘family bubble’

    Nanawagan ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na limitahan lang sa tinatawag na family bubble ang pagdiriwang ng Pasko.     Ito’y sa gitna na rin ng pangamba na muling sumipa ang mga kaso ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) dahil sa mga pagtitipon habang papalapit na ang Pasko.     Ayon kay PNP Chief […]

  • Nakagugulat ang naging rebelasyon: GLADYS, makikiusap kay JUDY ANN para matuloy ang ideya na magsama sa isang concert

    NAKAGUGULAT ang rebelasyon ni GLADYS REYES na isang concert ang ideya niya na maging reunion project nila ni Judy Ann Santos. “Sa totoo lang, naisip ko na yan,” umpisang sinabi ni Gladys. “Kasi inspired by yung ginawa nina ate Sharon at kuya Gabby.” Kailan lamang ay idinaos ang reunion project nina Sharon Cuneta at Gabby […]

  • De Lima, posibleng mapawalang-sala – Remulla

    NANINIWALA si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na mapapawalang-sala na si dating senador Leila de Lima sa nalalabi niyang kaso ukol sa iligal na droga.     Ito ay makaraang makalaya na si De Lima nang payagan ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 206 na makapaghain ng piyansa.     Ayon kay Remulla, napakatibay na […]