• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Laban ni Mayweather sa Dubai hindi natuloy

IPINALIWANAG  ng organizer ng exhibition fight ni retired US boxer Floyd Mayweather ang hindi pagtuloy ng nasabing laban sa Dubai.

 

 

Ayon sa Global Titans Fight Series na kanilang kinansela ang nasabing laban ni Mayweather sa dating sparring partner nito na si Don Moore ay dahil sa pagpanaw ng nited Arab Emirates president Sheikh Khalifa bin Zayed Al Nahyan.

 

 

Dahil aniya sa pagpanaw ng kanilang pangulo ay ipinatupad ang 40-days of mourning kung saan lahat ng mga negosyo at maraming mga establishimento ay isinara.

 

 

HIndi pa matiyak ng organizer kung ano ang napiling bagong petsa ng laban.

 

 

Hindi naman nagbigay ng komento pa Mayweather at sa kaniyang social media account ay nagpost na lamang ito ng larawan ng pumanaw na pangulo ng UAE.

 

 

Ito sana ang pangatlong exhibition fight ni Mayweather mula ng talunin si Conor McGregor noog 2017 at si Tenshin Nasukawa ng Japan noong 2018.

Other News
  • Alam na mahuhusgahan sa ‘coming out’ ng anak… SHARON, suportado si MIEL at walang magiging pagbabago sa pagtrato nila

    PASABOG at ito ang naging trending news simula nang mag-out ang bunsong anak na babae ni Megastar Sharon Cuneta at Senator Kiko Pangilinan na si Miel Pangilinan.       Tila hindi nito gusto ang terminong lesbian at pinagdiinan na siya ay proud member ng LGBTQIA+ community at ngayong Pride Month ang unang taon na […]

  • Panaga idinagdag na ng Creamline Cool Smashers

    MAKARAANG kumawala sa Petro Gazz Angels via free agency, pinapirma ng Creamline Cool Smashers nitong Martes ang kalibre ni veteran player Jeanette Panaga bilang paghahanda sa Premier Volleyball League (PVL) sa Abril.   Araw ng Linggo nang kumawala mula sa Petro Gazz Angel ang 25-year-old, six-footer  middle blocker kasama ang apat na iba pa mga […]

  • Brittney Griner nakabalik na sa US matapos mapalaya

    Nakabalik na sa US si WNBA star Brittney Griner matapos na siya ay palayain dahil sa pagkakakulong sa Russia.     Dumiretso agad ito sa San Antonio,Texas para sumailalim sa ilang medical test.     Napalaya si Griner matapos ang ginanap na prisoner swap kapalit ni Russian arms dealer na si Viktor Bout.     […]