• November 2, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Labi ni Ranara, isinailalim sa NBI autopsy

ISINAILALIM na sa awtopsiya ng mga forensic expert ng National Bureau of Investigation (NBI) ang labi ng OFW na si Jullebee Ranara, na pinaslang at sinunog sa Kuwait ng kanyang tinedyer na amo.

 

 

Makaraang duma­ting sa bansa ang labi ni Ranara, agad na nagtu­ngo ang NBI forensic team sa punerarya sa Bacoor, Cavite na pinagdalhan sa bangkay.

 

 

Layon ng awtopsiya na masuri ang tinamong panloob at panlabas na pinsala sa katawan ng Pilipina para matukoy ang mga sirkumstansya na dahilan ng kaniyang pagkasawi.

 

 

Inaasahan naman na matatapos ang “histopathology at general toxico­logy examinations” sa mga sampol na tisyu sa loob ng dalawang linggo.

 

 

Nabatid na duma­ting sa bansa ang labi ni Ranara nitong Biyernes ng gabi at mismong ang pamilya niya ang humi­ling sa NBI na isailalim sa awtopsiya ang bangkay.

 

 

Natagpuan sa isang disyerto sa Kuwait ang labi ni Ranara na sinunog. Itinuturo ang 17-taong gulang na lalaking amo ng biktima na siyang suspek sa pagpaslang at sinasabing panggagahasa sa OFW. (Daris Jose)

Other News
  • Ads February 13, 2020

  • Locsin, binuweltahan si Duque: ‘Don’t ever question my motives’

    SINITA ni Foreign Secretary Teodoro Locsin Jr. si Health chief Francisco Duque nang pasinungalingan ng huli na nawala ang oportunidad ng Pilipinas na makakuha ng milyong “vaccine syringes” mula sa Estados Unidos.   Sinabi ni Duque na ang kasunduan na makabili ang Pilipinas ng 50 milyong syringes mula sa Estados Unidos ay nabasura dahil sa usapin […]

  • Gilas Pilipinas coach Chot Reyes ipinaliwanag ang hindi pagsama ng ilang manlalaro na sasabak sa SEA Games

    IPINALIWANAG ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes ang hindi pagsama ng mga pangalan na sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.     Kasunod ito sa paglabas ng Samahan ng Basketball ng Pilipinas (SBP) ng bumuo ng final 12 ng national basketball team ng bansa ang Gilas Pilipinas.     Ayon kay […]