• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Labis ang pasasalamat pati na rin si Dingdong… MARIAN, pinuri ni JOHN ang kahusayan sa pagganap sa ‘Balota’

NAKATATABA marahil ng puso kapag ang isang mahusay na artista ay pinuri ang husay mo sa pagganap.

 

 

 

 

Katulad na lamang ng Best Actor na si John Arcilla, inihayag niya via his Instagram account ang paghanga niya sa kahusayan ni Marian Rivera sa Cinemalaya film na ‘Balota’.

 

 

 

 

Lahad ni John sa kanyang IG’ “Marian made a film for Cinemalaya with relevant issues right after the Phenomenal BLOCKBUSTER film REWIND that raked Billion of Pesos in the box office. I think it is such an admirable act.

 

 

 

“It is indeed a gesture of giving back to the Industry where she found her passion. Salute to @marianrivera and God Bless you more! I will definitely watch this Film,” pahayag pa ng Volpi Cup Best Actor sa Venice International Film Festival para sa pelikulang On The Job: The Missing 8.

 

 

 

Bukod sa papuri kay Marian ay nag-promote pa si John ng ‘Balota’ sa publiko.

 

 

 

Sumagot si Marian sa post ni John ng, “Salamat po ng marami!”

 

 

 

Maging ang mister ni marian na si Dingdong Dantes ay may reaksyon sa post ni John…

 

 

 

“Salamat, Heneral,” ani Dingdong.

 

 

 

***

 

 

 

ALL-OUT raw ang suporta ng mga Pilipino sa Canada sa tambalan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

 

 

 

Sa naturang bansa kasi kasalukuyang nagaganap ang shoot ng pelikula ng dalawa ang ‘Hello Love Again’ na karugtong ng box-office movie nilang ‘Hello Love Goodbye.’

 

 

 

Sa isang episode ng GTV ‘Balitanghali’ nitong Biyernes, ipinakita sa isang video ang katuwaan ng mga Pinoys abroad na makita at makasalamuha sina Alden at Kathryn.

 

 

 

Kitang-kita rin sa video ang katuwaan ng KathDen sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga Pilipino na nasa Calgary sa Canada.

 

 

 

Sabi ay tatlong linggo ang shooting ng ‘Hello, Love, Again’ sa Calgary, kaya makaka-bonding nang husto ng mga fans doon sina Kathryn at Alden.

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • US-based firm, nangako na dadagdagan pa ang pamumuhunan sa Pilipinas

    NANGAKO ang Cerberus Global Investment LLC na nakabase sa US ng dagdag na pamumuhunan at pagpapalawak sa Pilipinas, ayon yan sa Malacanang.     Sa paglitaw mula sa isang pulong sa mga nangungunang executive ng kumpanya, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang karagdagang pamumuhunan sa paggawa ng barko ay magbibigay-daan sa bansa na mabawi […]

  • Manila RTC Judge Jaime Santiago, bagong NBI director

    ITINALAGA  ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si retired Judge Jaime Santiago bilang director ng National Bureau of Investigation (NBI).       Si Santiago ay nanumpa na sa kanyang puwesto kay Executive Secretary Lucas Bersamin kahapon ng umaga.       Nagsilbi si Santiago sa Western Police District (WPD) mula 1979 hanggang 2000. Nagtapos din […]

  • LeBron nalampasan na sa all-time scoring list si Abdul-Jabar

    KINILALA ngayon ang NBA superstar na si LeBron James bilang highest scoring player sa kasaysayan ng liga sa pinagsamang regular season at postseason.     Ang record breaking feat ni James ay nagdala sa kanya upang lampasan ang basketball legend na si Kareem Abdul-Jabbar.     Naabot ni James ang panibagong milestone sa laro kanina […]