• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Labor issues na binanggit ng sekyu na hostage taker, iimbestigahan ng DOLE

IIMBESTIGAHAN ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang labor issues sa mall sa Greenhills San Juan.

 

Ito ay kasunod ng mga pahayag ng hostage taker na si Archie Paray na naglabas ng hinaing sa mga problema nilang security guards.

 

Iniutos na ni Labor Sec. Silvestre Bello III ang pag-iinspeksyon sa mga mall sa Greenhills para matiyak na sila ay sumusunod sa labor standards at occupational and health standards.

 

Bago mangyari ang insidente kamakalawa, sinabi ni Bello na may mga reklamo na silang natanggap dahil nagkaroon umano ng sibakan nang mag-take over ang Ayala sa Greenhills management.

 

Hindi naman binanggit ni Bello ang kumpletong detalye sa take over.

 

Pinatitingnan din ni Bello ang labor practice ng security agency na sangkot sa usapin.

 

Binanggit din ni Mayor Francis Zamora na inooperan daw ng security agency ng 1 milyon si Paray para kumalma at maayos na ang kanilang problema

 

“ “Yung security agency was offering P1 million pero hindi niya tinanggap kasi hindi pera ang kailangan niya eh.
“Ang kailangan niya marinig lang ‘yung hinaing. Napakasimple kaya binigay natin,” pahayag ni Zamora.

 

Samantala, iginiit ng Philippine National Police na kahit pinabayaan nilang magsalita ang hostage taker ay nakahanda naman sila sakaling may gawin itong masama.

 

Ayon kay PNP spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac, nakaantabay ang kanilang mga sniper unit para kay Paray.

 

“Hindi natin nakita na naging mapanganib dahil concealed umano ‘yung baril at nakita naman natin na free ang kamay niya at nakaantabay doon ‘yung mga snipers natin,” ayon kay Banac.

 

“Sa pagbibigay ng decision habang nagpo-progress ‘yung situation crisis, lahat ng posibleng paraan na maaaring gawin para magkaroon ng early, peaceful resolution,” aniya pa. (Daris Jose)

Other News
  • Pinasalamatan ni Marian ang Fil-Am popstar: ZIA, nag-enjoy nang husto sa concert ni OLIVIA RODRIGO

    HINDI talaga maitatago ang sobrang kaligayahan ng unica hija nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Zia Dantes, na isa sa libu-libong kabataan na nanood ng “Guts World Tour” concert ni Olivia Rodrigo noong Sabado sa Philippine Arena sa Bulacan.Sa Instagram post ni Kapuso Primetime Queen, ibinahagi niya ang video ni Zia na tuwang-tuwang […]

  • Papasukin na rin ang mundo ng pulitika: JOAQUIN, pinagtanggol si ISKO sa isyung ‘puppet’ ng isang politician

    KUMPIRMADONG papasukin na ang mundo ng pulitika ni Joaquin Domagoso. Kinumpirma na sa amin ng isang malapit sa mga Domagoso ang pagtakbong kunsehal sa unang districto ng Maynila.  Si Joaquin ay anak ng aktor at dating mayor na si Francisco “Isko” Moreno.    Susundan ni Joaquin ang tinatahak ng amang si Isko Moreno.   Matandaang […]

  • Dept. of Finance pinaburan na ang pagtanggal ng mga POGO sa bansa

    HINDI  pa rin nagbabago pang posisyon ng gobyerno kapag tuluyan ng tinanggal ang mga Philippine Offshore Gaming Operations or POGOs.     Sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno, na walang gaanong magiging epekto sa bansa kapag tuluyan ng tinanggal ang mga POGO.     Nais din nito na dapat hindi na mabigyan ng visa ang […]