Lacson at Sotto, sumailalim sa voluntary drug test
- Published on November 24, 2021
- by @peoplesbalita
Magsasanib pwersa ang Philippine National Police at ang Philippine Drug Enforcement Agency sa pag-imbestiga sa isang presidential aspirant na gumagamit umano ng cocaine.
Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, nasimulan na ng PDEG ang pagbeberipika ng naturang impormasyon at nangangalap na ng mga ebidensya.
Paliwanag niya, nagbibigay ng update sa kanya ang PDEG pero maghihintay muna sila na makumpleto ang imbestigasyon bago isapubliko ang resulta.
Nakikipag-ugnayan din ngayon ang PDEG sa Intelligence Group para ma validate ang nasabing report.
Dagdag pa ni Carlos, aalamin nila sa Malakanyang kung saan nangaling ang impormasyon dahil hindi naman sila basta-basta pwede dumirekta sa Pangulo.
Wala namang time-frame na ibinigay si Carlos sa PDEG para sa imbestigasyon dahil nagiging maingat sila sa pagkumpirma nito.
Pagtiyak nito na sa sandaling validated na ang ulat magkakasa sila ng operasyon.
Tumanggi naman si Carlos sabihin kung may natanggap silang impormasyon hinggil sa isang presidential bet na gumagamit ng cocaine.
Samantala, hinimok ni PNP Chief ang mga lahat ng mga kandidato na sumailalim sa drug test para mabatid ng publiko na drug free ang isang kandidato.
Pero nilinaw ni Carlos na hindi nila hinahamon ang mga kandidato na sumailalim sa drug testing dahil “free will” o boluntaryo lamang ito.
Aniya, sa panig ng PNP regular random drug testing ang kanilang isinasagawa para patunayan na drug free ang mga pulis.
As of presstime ( Nov 22), sumailalim ang Reporma standard bearer Sen. Panfilo Lacson at ang kanyang running mate na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa voluntary drug test. Nagpunta ang dalawa sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA ) headquarters, Lunes ng tanghali.
“What we underwent was not ordinary testing. PDEA uses a MULTI DRUG testing kit. It can check all types lof illegal drugs, encompassing holistic drug test,” ayon pa kay Sotto.
“Ordinary testing only checks marijuana and shabu.
Urine samples were taken and the PDEA is still processing these samples, said the Senate President, who once led the Dangerous Drug Board. (Daris Jose)
-
OPISYAL na idineklara ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pamumuno ni Mayor John Rey Tiangco ang unang Linggo ng Mayo bilang Pistang Bayan ng Navotas
OPISYAL na idineklara ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pamumuno ni Mayor John Rey Tiangco ang unang Linggo ng Mayo bilang Pistang Bayan ng Navotas kung saan kinilala si San Jose bilang city patron at protector. Nakiisa naman si Congressman Toby Tiangco, kasama ang kanyang asawa na si Michelle kay Bishop David sa paglalahad ng […]
-
Isyu ng Taiwan Strait, hindi maiiwasan na pag-usapan sa ASEAN Summit- PBBM
HINDI maiiwasan na mapag-usapan ng mga lider na dadalo sa 42nd ASEAN Summit ang isyu ng tensyon sa Taiwan Strait. Inamin ng Pangulo na ang usaping ito ay “inevitable, unavoidable” at isang “grave concern” sa lahat ng member-states ng ASEAN. “Parang inevitable, eh. Unavoidable ‘yung subject matter na ‘yun dahil pare-pareho […]
-
DA naghahanda sa ‘worst case scenario’ sa suplay ng bigas dahil sa El Niño
TINIYAK ni Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary at deputy spokesman Rex Estoperez na pinaghahandaan na ng pamahalaan ang anumang ‘worst-case scenario’ pagdating sa suplay ng bigas, bunsod na rin ng banta ng El Niño phenomenon. Ayon kay Estoperez, tinatrato ng DA ang El Niño, gaya rin ng iba pang kalamidad, dahil ang […]