Lacson-Sotto tandem nangabog sa Twitter
- Published on November 16, 2021
- by @peoplesbalita
Ang tambalan nina Partido Reporma chairman at standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson at Senate President Vicente “Tito” Sotto ang may pinakamaraming tunay at lehitimong follower sa Twitter, ayon sa random bot analysis at independent monitoring na ginawa ng isang Reddit user.
Gamit ang sample size na 5,000 account mula sa 44,155 followers ng Lacson-Sotto sa kanyang verified personal Twitter account (@iampinglacson), nadiskubre ng Reddit user na may code name na ‘PancitLucban’ na ang Lacson-Sotto tandem ang may ‘most organic following’ o hindi artipisyal na engagement mula sa kanyang mga follower, kumpara sa apat na iba pang presidential aspirant.
Ang proseso ng pagpili ay random gamit ang SurveyMonkey at Tweepy upang makuha at maorganisa ang mga datos mula sa application program interface ng Twitter. Ginamit naman ang Botometer software para maihiwalay ang mga bot, pinaikli para sa robot o computer program, mula sa totoong account.
“Botometer uses Complete Automation Probability (CAP) to visualize and analyze account behavior. To put it simply, this is the variable they use to determine a ‘bot score,’” paliwanag ni PancitLucban sa kanyang report.
Sa kanyang pagsusuri, nag-set ng 90 porsyentong CAP ang Reddit user, na nagresulta ng 9.08 porsyento ng Twitter bot follower para kay Lacson at 2.77 porsyento naman kung naka-set sa 95 porsyento ang CAP.
Nangangahulugan ito na malaking bilang o karamihan sa kanyang mga follower ay organic o lehitimong account.
Iba-iba naman ang naging resulta mula sa tatlong iba pang mga presidential aspirant. Si Vice Pres. Leni Robredo (@lenirobredo) ay may 628.3K followers, si Manila Mayor Isko Moreno (@IskoMoreno) naman ay may 934.4K followers, habang si ex-senator Bongbong Marcos (@bongbongmarcos) ay may 957.9K followers.
Wala pang datos sa Twitter analytics para sa dalawa pang presidential aspirant na sina Sen. Manny Pacquiao at labor leader Leody de Guzman.
Si Pacquiao ang may pinakamaraming follower (2.6 milyon) sa Twitter sa lahat ng mga presidential bet, na pinalakas ng kanyang pagiging worldwide celebrity bilang boxing icon. Habang si De Guzman ay may 19.4K follower bagaman hindi pa verified ang kanyang account.
-
Ads June 17, 2022
-
Steph Curry inangkin ang ika-2 NBA scoring title
Napasakamay ni Stephen Curry ang kanyang ikalawang NBA scoring crown habang inangkin ng Portland Trail Blazers ang No. 6 berth sa Western Conference playoffs sa pagtatapos ng regular season games. Sa San Francisco, nagpasabog si Curry ng 46 points sa 113-101 pagbugbog ng Golden State Warriors (39-33) sa Memphis Grizzlies (38-34) para kunin […]
-
Toll rates para sa Skyway 3, inilabas na ng TRB
Nag-isyu na ng aprubadong toll rates ang Toll Regulatory Board (TRB) na sisingilin sa mga motorista na gagamit ng Skyway Stage 3 elevated expressway. Kasunod ito ng anunsiyo ng San Miguel Corporation (SMC) na simula sa Hulyo 12 ay magsisimula na silang maningil ng toll fee para sa Skyway 3. Ayon […]