• April 3, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lady Bulldogs, Lady Spikers maghaharap agad sa UAAP

INAABANGAN na ang matinding bakbakan ng pinakamahuhusay na collegiate volleyball players sa bansa sa paglarga ng  UAAP Season 87 women’s volleyball tournament na papalo sa Sabado sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sa second day ng liga, magtutuos agad ang defending champion National University at Season 85 titlist De La Salle University sa Linggo.

Babanderahan ni two-time UAAP MVP Bella Belen ang matikas na ratsada ng Lady Bulldogs na magtatangkang tapusin ang kanyang collegiate career ng magarbo.

Makakasama ni Belen sa arangkada si UAAP Season 86 Finals MVP Alyssa Solomon kasama sina Vangie Alinsun, Erin Pangilinan, Sheena To­ring at playmaker Cams Lamina.

Sa kabilang banda, malaki ang nawala sa La Salle partikular na sa middle blocker position matapos ang paglisan ni Thea Gagate.

Ngunit nananatiling ma­tikas ang Lady Spikers dahil nariyan pa rin si outside hitter at dating Rookie-MVP na si Angel Canino na siyang aasahan sa opensa ng tropa.

Aariba rin para sa La Salle si middle blocker Amie Provido at outside hitter Aleiah Malaluan.

Bigo ang La Salle na makapasok sa finals noong nakaraang taon matapos itong matalo sa University of Santo Tomas sa crossover semis.

Kaya naman desidido ang Lady Spikers na ma­karesbak sa taong ito.

Magsisimula ang season sa Sabado tampok ang salpukan ng University of the East at University of the Philippines sa ala-una ng hapon.

Kasunod nito ang laban ng Golden Tigresses at Far Eastern University sa alas-3 ng hapon.

Other News
  • Kaya nagbago ng career tulad ng pagdidirek: JOHN, tanggap na ‘laos’ na siya bilang gay comedian

    TANGGAP na ni John “Sweet” Lapus na “laos” na siya bilang gay comedian.     Lumipas na raw ang ningning ng kanyang bituin. Kaya tinanggap na rin ni Sweet na kailangan na rin niyang magbago ng career.     “Tanggap ko na iba na ang direction ng career ko the moment I accepted na magdidirek […]

  • Pinay boxer na si Nesthy Petecio, binati ni Go

    “Mabuhay ka, Nesthy! Isa kang lodi!”   Binati ni Senador Bong Go ang pinay boxer na si Nesthy Petecio sa pagkapanalo ng Tokyo Olympics silver medal sa Women’s Featherweight boxing.   “Congratulations to Nesthy Petecio for winning the Tokyo Olympics silver medal in Women’s Featherweight boxing! Yours is a historic win for being the first […]

  • ALDEN pangungunahan ang pagbabasa ng mga kabanata sa double book launching ni RICKY LEE

    MAGKAKAROON ng double book launching ng mga bagong libro ni Ricky Lee.     Ang Servando Magdamag At Iba Pang Maiikling Kuwento at ang graphic novel adaptation ni Manix Abrera ng Si Amapola, ngayong darating na Dec 14 (Tue), 5:30pm (ph time) via Zoom.     Makakasama bilang mga tagapagbasa sina John Arcilla, Agot Isidro, […]