• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Laguna trips ng PNR suspendido; DOTr baka kanselahin ang loan agreement sa China

SINUSPINDE ng Philippine National Railways (PNR) ang operasyon nito sa Laguna simula noong nakaraang Huwebes habang ang mga bagon ay sasailalim sa maintenance works.

 

 

 

Ginagawa ang maintenance upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero ayon sa Department of Transportation (DOTr).

 

 

 

Ayon sa DOTr ang train na umaalis ng 6:30 ng umaga mula Calamba papuntang San Pablo at ang 6:25 ng umaga mula San Pablo papuntang Calamba ay hinto muna ang operasyon simula noong Biyernes hanggang wala pang anunsyo kung kailan muling bubuksan ang operasyon.

 

 

 

Samantala, sa sektor pa rin ng railways sinabi ng DOTr na baka mag desisyon sila na hindi na ipagpatuloy ang multi-billion-peso loan reapplication sa China para sa Philippine National Railways Bicol na proyekto hanggang December habang ang China ay walang pa rin sagot.

 

 

 

“China has not yet confirmed as to whether the P142 billion loan agreement for the Philippine National Railways (PNR) South Long-Haul Project will continue. Therefore, after a year and two months before this Committee hearing, the secretary had advised the team to meet with the China Eximbank, to ask them, do you really want us to give us a loan of P142 billion? Otherwise, without it, there is no civil works contract” wika ni DOTr undersecretary Cesar Chavez.

 

 

 

Dahil dito, inulit ng DOTr na sa December pa sila  magkakaron ng desisyon kung kanilang hindi na itutuloy ang consultancy contract ng nasabing railway line.

 

 

 

“By the end of December, the DOTr will have to go back to NEDA to ask for guidance whether to still request funding from the China Eximbank or to terminate the project management consultancy, and also to withdraw the application, the reapplication for the China Eximbank,” dagdag ni Chavez.

 

 

 

Noong nakaraan taon ay nagbigay ng utos si President Ferdinand Marcos, Jr. sa DOTr na makipag renegotiate sa China para sa loan agreements ng mga proyekto sa railways matapos na kanselahin ng dating admistrasyon ang loan application.

 

 

 

Ang mga nasabing proyekto sa railways na nakahanay ay ang Subic-Clark Railway na may halagang P142 billion, Philippine National Railways South Long-Haul na may halagang P51 billion, at ang Mindanao Railway-Digos segment na may halagang P83 billion.

 

 

 

Dagdag pa ni Chavez na ang pamahalaan ay maaari pa rin na ipagpatuloy ang proyekto ng PNR South Long-Haul sa pamamagitan ng pagutang sa ibang bansa o di kaya ay mga financial institutions. Puwede rin na magawa ito sa pamamagitan ng public-private partnership.

 

 

 

“We may go to JICA, we may go to Asian Development Bank, we may go to foreign partners for the electromechanical and the government will still be in charge of the right of way of Civil Works with a private contractor,” saad ni Chavez. LASACMAR

Other News
  • ‘Maling entry, karaniwang sanhi ng ‘di mahanap na voter’s data’

    NAGLABAS ng inisyal na pagtaya ang Comelec sa posibleng dahilan ng deactivated status ng ilang botante, kahit nakaboto sila sa nakaraang halalan.     Ayon kay Comelec Comm. George Garcia, maaaring resulta lamang ito ng maling record entry.     Kung minsan aniya ay mayroong naisasamang “Jr” sa record, ngunit hindi naman pala ito bahagi […]

  • Ngayong natupad ang dream na maging action star: RURU, inaming gusto rin niyang makapag-direk tulad ng idolong si COCO

    FINALE week na ng tagumpay ang ‘Black Rider’, ang action series na pinagbibidahan ni Ruru Madrid sa GMA. Kaya tinanong namin ang aktor kung ano ang naging epekto sa buhay niya sa success ng ‘Black Rider’. Sagot ni Ruru, “Siguro nasimulan din po nung ginawa ko yung Lolong before and then ngayon nasundan po agad ng […]

  • 4,084 bagong pasyente na tinamaan ng COVID-19 sa PH; 21 labs bigong magsumite ng datos sa DOH

    Maraming mga COVID laboratory ang nabigong makapagsumite ng kanilang mga datos na umaabot sa 21 dahil sa pagiging holiday nitong nakalipas na wekeend.     Meron ding dalawang mga laboratoryo ang hindi operational.     Kaya naman ang datos sa bagong mga kaso na nahawa sa coronavirus sa boung Pilipinas sa daily tally ng Department […]