• October 10, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lahat ng ASEAN states, umaasa na maisasapinal na ang Code of Conduct para sa SCS-PBBM

SINABI ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr.  na binanggit ng lahat ng mga ASEAN member states ang Code of Conduct (COC) sa South China Sea (SCS) sa isinagawang Summit ng regional body sa Indonesia.

 

 

Iyon ay dahil  umaasa ang  lahat ng ASEAN nation na maisasapinal na ang COC  bilang “legally binding pact.”

 

 

“We’re waiting for the continued work being developed, that is being done to develop the framework for the Code of Conduct but ASEAN, halos lahat, lahat kami brought it up,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

“Sana naman andiyan na ‘yung Code of Conduct para maging maliwanag ang mga posisyon ng ibang bansa, ng China, alam natin ‘yung gagawin, what are the rules, so that’s a continuing… Lahat umaasa na matapos na ‘yung COC,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.

 

 

Ang panukalang Code of Conduct ay naglalayong pigilan o hadlangan ang “overlapping claims” sa  “potentially oil-rich region” at mauwi sa malala at marahas na komprontasyon  o isang “economically devastating major conflict.”

 

 

Samantala, patuloy na isinusulong ni Pangulong Marcos ang pagsasapinal ng COC, sabay sabing dapat lamang na panindigan ang United Nations Convention on the Law of the Sea  bilang universal framework sa mga aktibidad sa karagatan. (Daris Jose)

Other News
  • FIRST U.S. REVIEWS HAIL “THE WOMAN KING” AS OSCAR-WORTHY EPIC ADVENTURE

    FRESH from its successful premiere at the Toronto International Film Festival, the initial reviews for The Woman King are now out, and critics are unanimous in praising Viola Davis’ fierce reinvention as an action hero and the film as a rousing, action-packed crowd-pleaser.       [Watch the film’s trailer at https://youtu.be/Urnw1iqXI9E]     Garnering 100% Fresh Rating over […]

  • Pinas, naiwasan ang bagong Covid-19 surge dahil sa vax, pagsunod sa protocol – PDu30

    NAIWASAN ng Pilipinas ang panibagong surge ng Covid-19 cases sa pamamagitan ng nagpapatuloy na Covid-19 vaccinations at pagsunod sa minimum public health standards.     Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi.     “If I were to judge myself, the one single thing that […]

  • Suplay ng pagkain sa bansa, kaya pang tumagal ng tatlong buwan- Malakanyang

    SINIGURO ng Malakanyang na aabot pa ng tatlong buwan ang  food suppy ng bansa hanggang sa gitna ng naging pinsala ng mga nagdaang bagyo na sumira sa maraming sinasakang lupain.   Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nasa 90 araw ang kayang itagal pa ng supply na pagkain as of November 12.   Ayon kay […]