• November 9, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lahat ng lugar sa Metro Manila, high o critical risk – DOH

Nasa ‘high o critical risk’ na lahat ng siyudad at munisipalidad sa National Capital Region (NCR) dahil sa patuloy na pagsirit ng mga bagong kaso ng COVID-19 at pagtaas ng utilization rate ng mga pagamutan.

 

 

Kabilang sa mga nasa Alert Level 4 (critical) ay ang mga siyudad ng Las Piñas, Malabon, Makati, Marikina, Muntinlupa, Navotas, San Juan, Quezon City, Taguig, Valenzuela at bayan ng Pateros.

 

 

Nasa Alert Level 3 (high) ang Caloocan, Pasig, Mandaluyong, Maynila, Pasay at Parañaque.

 

 

Sa datos hanggang Agosto 10, pinaka-kritikal ang siyudad ng Navotas na may 29.44 Average Daily Attack Rate (ADAR), at 353.25% Two-week Growth Rate (TWGR); at ang Pateros na may 39.30 ADAR at 266.35% TWGR.

 

 

Lahat din ng siyudad sa Metro Manila ay may Delta variant na. Nakapagtala ang Navotas ng walong kaso, 12 ang Malabon, apat sa Valenzuela, pito sa Caloocan, tatlo sa Pateros, lima sa Taguig, walo sa Quezon City, isa sa Marikina, 23 sa Pasig, walo sa Makati, anim sa San Juan, walo sa Mandaluyong, 16 sa Maynila, 26 sa Las Piñas, isa sa Muntinlupa, apat sa Pasay at apat din sa Parañaque. (Daris Jose)

Other News
  • DepEd, tinitingnan ang ‘flexi’ implementation ng Matatag Curriculum

    PINAG-AARALAN ng Department of Education (DepEd) ang posibilidad na ipatupad ang Matatag Curriculum ng ‘more flexibly’ habang tinutugunan ang learning gap ng bansa.           Nilinaw ni Education Secretary Juan Edgardo Angara na mananatili ang Matatag Curriculum sa kabila ng dumagsang panawagan na alisin na ito.       “However, the agency […]

  • Top Radio Anchors sa Bansa, Tampok sa mga Bagong Programa ng Radyo5

    NGAYONG 2023, kasabay sa pagsalubong ng Chinese New Year, maririnig na ang tunay na tunog ng serbisyo publiko sa mga bagong programa ng Radyo5 92.3 FM na kaakibat ng bagong tagline ng istasyon: “Ito na ang totoong tunog ng Serbisyo Publiko!”  Nangunguna sa listahan ng mga bagong handog ng Radyo5 ang radio program ng go-to […]

  • Ads January 25, 2020