• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lahat ng natutunan kina Vilma at Edu: LUIS, napakinabangan at naipapasa kay Baby PEANUT

LAHAT ng natutunan ng Kapamilya TV host na si Luis Manzano sa mga magulang niyang sina Vilma Santos at Edu Manzano ay napakinabangan na niya ngayon para sa anak na si Peanut.

 

Kumbaga yung mga natutunan niya sa mga magulang at na-experience niya mula sa mga ito ay nai-apply niya ngayon sa pangangay na anak niya.

 

Isa na raw yung pagiging affectionate at malambing na daddy na ipinaramdam din sa kanya noon nina Ate Vi at Edu.

 

Bilang first-time daddy, bawat minuto ay mahalaga para sa kanya pagdating sa pagpapalaki at pag-aalaga sa first baby nila ni Jessy Mendiola.

 

Ayon pa kay Luis ay parehong hands-on parents silang ni Jessy pagdating kay Baby Peanut.

 

Sa totoo lang naman, sa unang buwan pa lamang ni Baby Peanut sa mundo at sa tuwing ilalabas sa vlog ng mag-asawa ang anak ay may mga nagko-comment, kung bakit I love you nang I love you si Luis?’

 

“So, parang du’n ko na-realize oo nga no, na I always say, ‘I love you Peanut, I love you anak,’” sabi pa ni Luis.

 

“Yun kasi ang nakikita ko, my dad (Edu) and I we hug we kiss, si Tito Ralph (Recto) din naman you can see how intense his love is for Peanut.

 

“So it was never something siguro na I consciously got from Mommy (Vilma), Daddy, from Tito Ralph. It was more of that environment that I grew up in so iyon ‘yung automatically napapasa ko kay Peanut,” pag amin pa ni Luis sa isang interview sa kanya.

 

Inilahad rin ni Luis na ang “biggest fear” daw niya bilang ama, “Ako naman bilang ama ang reality of not being able to provide. Hindi ko kailangang magbigay ng sobrang rangyang buhay, it’s not me, it’s not Jessy, and it’s not something for Peanut,” sey pa ng premyadong TV host.

 

“We just want a comfortable life na happy kami, happy ang mga tao sa pagilid and nakakakain naman kami. I guess that’s the biggest fear for me, one, especially na bata pa si Peanut,” lahad pa rin ng Kapamilya TV host.

 

Banggit pa ni Luis na lumaki raw si Peanut na hindi siya magiging blessing sa ibang tao.

 

“Sabi ko naman for you to be a blessing to other people, a common misconception is people always believe that it’s always monetary, na kailangan for you to be able to be a blessing kailangan lagi kang nagbibigay,” sambit pa ng TV host at aktor.

 

“When you say being a blessing means you just make life easier for so many people. Iyon ‘yung fear ko na hindi ma-instill kay Peanut as a father” dagdag pa niya.

 

At bilang tatay, gusto ni Luis na lumaking mabuting anak si Peanut.

 

“Para sa akin naniniwala ako na lahat tayo nagkamali na in one point.

 

“Lahat ng mga anak natin magkakamali pa rin at one point. But you always hope and pray that you raised them well enough na ‘yun ang babalikan nila, ‘yung core na iyon na pagpapalaki na kahit mapaligiran sila ng whatever temptation, day in and day out, they will always fall back on how you raised them,” seryosong lahad pa ni Luis.

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • Brittney Griner muling maglalaro sa WNBA matapos na makalaya sa pagkakakulong

    Magbabalik pa rin para maglaro sa WNBA ngayong season si Brittney Griner matapos ang pagkalaya nito mula sa pagkakakulong sa Russia.   Sinabi nito na kinuha pa rin siya ng kaniyang dating koponan niyang Phoenix Mercury.   Pinasalamatan nito ang kaniyang mga koponan at management dahil sa pagtanggap sa kaniya.   Magugunitang naaresto noong Pebrero […]

  • Pag-IBIG Fund, ipinagpaliban ang 2023 contribution hike

    IPINAGPALIBAN ng Pag-IBIG Fund ang ikakasa na sanang monthly contribution hike para sa mga miyembro nito ngayong taon.     Ito’y matapos na opisyal na  aprubahan ng  Pag-IBIG Fund Board of Trustees  ang pagpapaliban sa  contribution hike na ikakasa na sana ng ahensiya para ngayong taon.     Ang dahilan, patuloy pa ring bumabawi ang […]

  • ‘Heartbeat’ ni Quiboloy na-detect sa underground bunker ng KOJC

      TIWALA ang Philippine National Police (PNP) na bilang na ang araw ni Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy na pinaniniwalaang nagtatago sa underground bunker ng KOJC Compound matapos na ma-detect ang ‘heartbeat’ nito.       Ayon kay PNP Region XI spokesperson Catherine Dela Rey, na-detect ang heartbeat ni Quiboloy matapos na […]