Lahat ng security measures, gagamitin para sa inagurasyon ni BBM-DILG
- Published on June 30, 2022
- by @peoplesbalita
HANDANG-HANDA na ang puwersa ng estado para sa posibleng mangyaring panggugulo at banta mula sa makakaliwang grupo dahil pinaigting ang security measures sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong’’ Marcos Jr. sa National Museum sa Hunyo 30.
Sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya, magiging aktibo ang Manila Task Force Shield lalo pa’t ipatutupad ang temporary road closures, checkpoints, no sail zone sa Pasig River at gun ban regulation.
Magsasanib-puwersa naman ang Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), local government units (LGUs) at iba pang concerned agencies upang tiyakin ang maayos at mapayapang proseso ng inagurasyon.
Sinabi ni Malaya na ang mga lider ng makakaliwang grupo ay nagdaos ng kanilang press conference kung saan inanunsyo ng mga ito na magsasagawa sila ng protest rallies hindi lamang sa Kalakhang Maynila kundi maging sa ibang bahagi ng bansa gaya ng Baguio City, Cebu, Iloilo at Naga City.
Giit ni Malaya, ang freedom of expression ay “Constitutionally enshrined but must be done in a peaceful and orderly manner without any provocation towards the law enforcers or any form of unruly behavior.”
Humingi naman ng paumanhin si Malaya sa publiko dahil sa temporary inconvenience bilang bahagi ng security preparation upang matiyak ang “peaceful and orderly transition of power.”
“Please keep your (leftist groups) protest peaceful, Huwag na po tayong makipaggitgitan wag na pon nating gawan pa ng eksena ito (Do not exhibit rowdy behavior. Do not make any scene). Respect the people’s will in the last election,’’ ayon kay Malaya.
Sa kabilang dako, tuwing nagdaraos ng inagurasyon, sinabi ni Malaya na palaging gumagawa ng eksena ang makakaliwang grupo upang makakuha ng media mileage bilang bahagi ng kanilang propaganda at para makakuha ng simpatiya at makapag- project ng imahe na hina-harrass sila ng gobyerno.
Dahil dito, ipinag-utos ni DILG Secretary Eduardo Año sa mga police officers na magpatupad ng maximum tolerance at kung posible ay makipag-ugnayan sa mga makakaliwang grupo sa pamamagitan ng dayalogo. (Daris Jose)
-
‘No window hours’ sa number coding, ‘fake news’ – MMDA
NAG-ABISO ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista na walang katotohanan ang kumakalat na larawan na nagsasabing may bagong iskedyul sa umiiral na Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme sa Metro Manila. Sa post ng MMDA sa kanilang Facebook page, sinabi nito na maling impormasyon ang kumakalat […]
-
Doha napiling host ng 2030 Asian Games
Napili ang Doha bilang host ng 2030 Asian Games. Kinumpirma ito mismo ng Olympic Council of Asia (OCA) kung saan magiging host naman ang 2034 ang Riyadh. Ayon kay OCA president Sheikh Ahmad Al-Fahad Al-Sabah, na isinagawa ang paggawad matapos ang board meeting ng OCA. Naantala pa ng ilang oras ang nasabing […]
-
Ngayong Semana Santa: PBBM, hinikayat ang mga katolikong bansa na maging “better agents of change”
HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga Katolikong bansa na maging “better agents of change” sa pamamamagitan ng pagkilala pa sa mahal na Poong Hesukristo sa panahon ng paggunita ng Mahal na Araw. Sa mensahe ng Pangulo, sinabi nito na bagama’t ito’y mahirap na maunawaan, ang mensahe ng kaligtasan at buhay na walang […]