Lahat ng sementeryo at Columbarium sa bansa, sarado – Malakanyang
- Published on September 21, 2020
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng Malakanyang na sarado ang lahat ng sementeryo ng bansa simula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4 para maiwasan ang pagdagsa at pagsisiksikan ng tao sa All Souls Day.
Ang Columbarium ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque ay sarado rin sa nasabing panahon.
Ang pansamantalang pagsasara ng lahat ng sementeryo sa All Souls’ Day, taunang tradisyon ng milyon-milyong Filipino na bumibisita sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay ay inaprubahan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).
Kaugnay nito, inanunsyo ng Metro Manila Development Authority na sarado ang lahat ng mga sementeryo sa Metro Manila sa All Saints’ Day.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, unanimous ang naging desisyon ng mga alkalde sa Metro Manila kaugnay sa naturang usapin, kung saan ilalatag din ang mga panuntunan para sa pagpapatupad nito.
Napag-alaman na si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang unang nag-anunsyo na sarado ang lahat ng mga sementeryo at columbaries mula Oct. 31 hanggang Nov. 3, para sa obserbasyon ng Undas, upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Agad rin na naglabas ng parehong hakbang ang San Juan, Valenzuela, Mandaluyong, Pateros, Malabon, Makati at Parañaque, ganun din ang Cebu City. (Daris Jose)
-
Malungkot na ibinalita ni Liza: Repeat concert ni ICE, na-postpone dahil sa severe asthma attack
MALUNGKOT ngang ibinalita ng wifey ni Ice Seguerra na si Liza Diño-Seguerra na postponed na ang ‘Videoke Hits: The Repeat ’ ngayong Sabado, June 1 sa Music Museum. Ipinost na nga ito ni Liza sa Fire and Ice PH Facebook page para sa mga fans ni Ice at mga nakabili na ng tickets… […]
-
NTC sa publiko: Huwag i-click ang links, magbigay ng personal data sa mga natatanggap na spam messages
Pinag-iingat ng National Telecommunications Commission (NTC) ang publiko sa mga natatanggap na spam messages. Ayon kay NTC Deputy Commissioner Edgar Cabarrios, huwag na dapat buksan pa ang link na nakapaloob sa spam messages na ito. Bukod dito, hindi rin dapat magbigay ng personal data ang sinuman sa mga links na kanilang […]
-
Malaking tagas ng tubig sa Manila, nadiskubre – Maynilad
KINUMPIRMA ng West Zone concessionaire na Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) na may nadiskubre silang major pipe leak sa Osmeña Highway, kanto ng Zobel Roxas sa Maynila, kasunod na rin ng isinagawang leak detection activities sa lugar kamakailan. Sa pagtaya ng Maynilad, magkakaroon sila ng water loss recovery na nasa 20 hanggang 30 […]