Lahat ng sementeryo at Columbarium sa bansa, sarado – Malakanyang
- Published on September 21, 2020
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng Malakanyang na sarado ang lahat ng sementeryo ng bansa simula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4 para maiwasan ang pagdagsa at pagsisiksikan ng tao sa All Souls Day.
Ang Columbarium ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque ay sarado rin sa nasabing panahon.
Ang pansamantalang pagsasara ng lahat ng sementeryo sa All Souls’ Day, taunang tradisyon ng milyon-milyong Filipino na bumibisita sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay ay inaprubahan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).
Kaugnay nito, inanunsyo ng Metro Manila Development Authority na sarado ang lahat ng mga sementeryo sa Metro Manila sa All Saints’ Day.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, unanimous ang naging desisyon ng mga alkalde sa Metro Manila kaugnay sa naturang usapin, kung saan ilalatag din ang mga panuntunan para sa pagpapatupad nito.
Napag-alaman na si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang unang nag-anunsyo na sarado ang lahat ng mga sementeryo at columbaries mula Oct. 31 hanggang Nov. 3, para sa obserbasyon ng Undas, upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Agad rin na naglabas ng parehong hakbang ang San Juan, Valenzuela, Mandaluyong, Pateros, Malabon, Makati at Parañaque, ganun din ang Cebu City. (Daris Jose)
-
Lalaki himas-rehas sa panghihipo sa wetpaks ng dalagita
REHAS na bakal ang hinihimas ngayon ng 48-anyos na lalaki na dumakma at pumisil sa wetpaks ng isang dalagita matapos siyang maaresto makaraang makahingi ng tulong ang biktima sa kapitbahay nilang pulis sa Caloocan City. Sa ulat ni P/MSg Marjun Tubongbanua kay P/Col. Nixon Cayaban, hepe ng Valenzuela Police Station, dakong alas-12 […]
-
2 drug suspects tiklo sa P.1M shabu sa Valenzuela
MAHIGIT P.1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang drug suspects na naaresto ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, kinilala ni District Drugs Enforcement Unit (DDEU) chief P/Major Jeraldson Rivera ang naarestong mga […]
-
Ads August 27, 2024