Lakas-CMD pormal ng nakipagsanib-pwersa sa administrasyon para halalan 2025
- Published on September 23, 2024
- by @peoplesbalita
INANUNSYO ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez noong Biyernes ang opisyal na pakikipag-alyansa ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) sa administrasyon upang punan at suportahan ang mga kandidato sa congressional-local election sa Mayo 2025.
Ginawa ni Romualdez ang anunsiyo sa national convention ng partido, na dinaluhan ng mga pangunahing opisyal at miyembro ng Lakas-CMD sa Aguado Residence sa Malacañang.
Sinabi ni Speaker mananatili ang Lakas-CMD bilang maasahang katuwang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa pagsusulong ng mga patakaran at reporma para sa kabutihan ng bawat Pilipino.
Hinimok ni Speaker Romualdez ang mga miyembro ng kanyang partido na maghanda para sa halalan sa 2025 na may bagong pananaw at layunin.
Sinabi pa ng lider ng Kamara na siya at ang kanyang mga kasamahan sa partido ay pinagkatiwalaan ng sagradong tungkulin na maging pundasyon ng pananaw ng administrasyon para sa mas maliwanag na hinaharap.
Idinagdag pa ni Speaker Romualdez na matagal nang napatunayan na ang Lakas-CMD ay mahalaga at maaasahang katuwang sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagtutulungan upang bumuo ng isang ‘Bagong Pilipinas’—isang bayan na nakaugat sa progreso, pagkakapantay-pantay, at katatagan.”
Binigyan diin ng lider ng Mababang Kapulungan ang kahalagahan ng tiwala at pagkakaisa ng kanyang partido habang papalapit ang halalan, na sa kabila ng hamon ay gagawin ito nang may tiwala sa pinagsamang lakas, pagkakaisa, at dedikasyon sa mga Pilipino.
Ang Lakas-CMD ay mayroong 4,000 miyembro na kinabibilangan 106 ng kongresista, 15 gobernador, 15 bise-gobernador, 124 miyembro ng provincial board, 18 alkalde at 19 bise-alkalde ng lungsod, 105 konsehal ng lungsod, 332 alkalde ng bayan, 199 bise-alkalde ng bayan, at 1,294 konsehal ng bayan. (Daris Jose)
-
Lahat ng rail lines dinagdagan ang kapasidad ng mga pasahero
PINAGUTOS ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa rail sector na dagdagan ng paunti-unti ang maximum na kapasidad ng mga trains upang makapagsakay pa ng mas madaming pasahero. Sinimulan noong Lunes ang pagdagdag ng kapasidad ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3), Light Rail Transit Line 1 (LRT1), at Light Rail Transit […]
-
Kinumpirma ng DOF na hindi pa bayad ang mga Marcos sa utang nilang estate tax
TINAWAG ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pansin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) patungkol sa hindi pa nakukulektang estate tax ng personalidad na hindi niya pinangalanan — ito habang naiipit ang pamilya ni presidential bet Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa P203.8 bilyong estate tax issue. Nabanggit ng pangulo ang isyu habang ipinagtatanggol ang […]
-
Mga laro sa PBA kanselado matapos ilagay sa Alert Level 3 ang NCR
Kinansela ng Philippine Basketball Association (PBA) ang mga laro ngayong linggo mataposilagay sa Alert Level 3 ang Metro Manila dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19. Muli kasi sanang itutuloy ang mga laro ng 2021 PBA Governor’s Cup sa Miyerkules. Nagsumite na ang PBA ng sulat sa Games and Amusement Board […]