• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Laking gulat na nakapag-perform sa sold-out crowd: CHRIS ROCK, no comment at ‘di ina-accept ang apology ni WILL SMITH sa social media

NAKARAMDAM ng pagmamahal ang comedian na si Chris Rock nang mag-perform ito sa sold-out crowd sa Wilbur Theater in Boston. 

 

 

Ang comedy tour niyang ito ay naganap ilang araw lang pagkatapos ng controversial slap sa kanya ni Will Smith sa nakaraang Oscar Awards.

 

 

Hindi raw inasahan ni Rock na mapupuno niya ang venue, pero laking gulat niya na sold-out ang tickets at ang dami pang nakapila sa labas ng theater club.

 

 

Ang base price ng ticket sa show ni Rock ay $50, pero pagkatapos ng insidente with Smith sa Oscars, umakyat daw ang price ng ticket to $8,000.

 

 

Lumabas si Rock na naka-white suit at binigyan siya ng standing ovation.

 

 

Sinimulan niya ang show with ‘Yo, let me do the show. How was your weekend?’ at naghiwayan ang audience.

 

 

Pagpatuloy pa ni Rock: “I don’t have a bunch of shit about what happened, so if you came to hear that, I have a whole show I wrote before this weekend.

 

 

“I’m still kind of processing what happened. So, at some point, I’ll talk about that shit.  And it will be serious and funny.”

 

 

After ng brief opening comments ni Rock, may audience member na sinigaw ang: “Fuck Will Smith!”

 

 

Sagot ni Rock: “I’m going to tell some jokes. It’s nice to just be out.”

 

 

Wala pang comment si Rock sa ginawang apology ni Smith sa kanya on social media. Ayon sa rep ng comedian, he is not accepting the apology for now.

 

 

***

 

 

NAKAKA-RELATE na si Michelle Dee kay Jennifer Aniston dahil maraming babae ang gumagaya sa kanyang hairstyle ngayon.

 

 

Kung noong ’90s ay nauso ang “The Rachel” dahil sa pinasikat na hairstyle ni Jennifer Aniston sa Friends, uso sa mga girls ngayon ang “Michelle Dee Cut” at marami na ang nagpo-post nito sa kanilang Instagram Stories.

 

 

Flattered naman daw si Michelle sa mga gumagaya ng hairstyle niya at nagku-comment siya sa mga napo-post sa IG nito.

 

 

Malaking tulong nga raw ito kay Michelle dahil isa siya sa early favorites sa Miss Universe Philippines 2022. Mas darami raw ang followers niya sa social media na isa sa challenges ng pageant.

 

 

After siyang mag-place sa top three ng swimsuit challenge, pasok ulit si Michelle sa top three ng casting video challenge ng MUP2022. Nakasama niya rito si Miss Misamis Oriental Annabelle Mae McDonnell at ang first place winner Miss Pasay Celeste Cortesi.

 

 

***

 

 

REYNA talaga ng self-confidence si Kakai Bautista.

 

 

Ngayong summer ay muling pinakita ni Kakai ang kanyang walang takot na paglantad ng alindog sa pagrampa na suot ang kanyang swimsuit. Pinaglalaban kasi ng komedyante ang body positivity and women empowerment.

 

 

Bilang si Pepita sa First Lady, laban lang kung laban si Kakai at lagi raw maniwala sa inyong sarili na ikaw ay maganda.

 

 

Post pa niya sa social media: “Hindi ako titigil! Uumayin ko kayo! Hindi ako titigil na i-remind kayo na ano mang hugis, hitsura at kulay niyo, YOU ARE BEAUTIFUL and you should be proud dahil sa inyo lang ‘yan. Babae! Sa’yo lang ‘yan, walang pwedeng umangkin n’yan. Always believe in the power of your beauty.”

 

 

Hindi rin nangingiming tumabi si Kakai sa mga seksing katawan nina Sanya Lopez at Maxine Medina. Paniwala ni Kakai na tulad nila, nakakasilaw din ang ganda niya ngayong tag-init!

 

 

(RUEL MENDOZA)

Other News
  • Inaprubahan ng House justice panel ang panukalang batas na nagbibigay ng Filipino citizenship sa import ng Ginebra na si Brownlee

    Inaprubahan ng House justice panel nitong Miyerkules ang panukalang nagbibigay ng Filipino citizenship sa American basketball player na si Justin Donta Brownlee na isang hakbang para maging kwalipikado siyang maglaro sa Gilas Pilipinas men’s basketball team.   Nabuo ito matapos na magkaisang inaprubahan ng panel ang House Bill 825 na inakda ni Representative Mikee Romero […]

  • Travel ban sa 7 bansa pinalawig – BI

    Muling ipatutupad ng Bureau of Immigration (BI) ang ekstensyon sa travel ban sa pitong bansa upang maiwasang makapasok ang Indian variant ng COVID-19 hanggang sa Hunyo 30.     Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ito ay bilang pagsunod sa utos galing sa Malacañang na huwag pa ring papasukin ang mga biyahero mula sa […]

  • Agarang pagpapalabas ng tulong, mamadaliin ng DSWD

    BIBILISAN na ng  Department of Social Welfare and Development (DSWD) na bibilisan ang pagpapalabas ng tulong para sa mga pamilya at indibidwal na nangangailangan ng agarang suporta sa ilalim ng  Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program.     Gagamitin ng departamento ang kanilang updated guidelines para rito.     Ni-review at binago kasi […]