• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LALAKI ARESTADO SA PAGBEBENTA NG BARIL

ARESTADO  ang isang lalaki na nagbebenta ng baril sa ikinasang gun bust operation ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) kagabi sa Tondo, Maynila .

 

 

Kinilala ang suspek na si Mark Oliver  Buenaventura , alyas Mico, 21, binata  ng  1987 Almeda St. Brgy 226 Zone 21, Tondo, Manila.

 

 

Kilala rin ang suspek na miyembro ng “Tiatco Criminal Gang” na maituturing na  district level criminal gangs

 

 

Sa ulat ng MPD, alas 7:15 kagabi nang maaresto ang suspek sa kahabaan ng Daang Bakal St , Tondo.

 

 

Nagsagawa ng gun buy bust operation ang mga tauhan ng MPD-DPIOU sa pangunguna ni PMaj Carlo Lonosa , hepe ng DPIOU laban sa suspek.

 

 

Nag-ugat ang operasyon mula sa impornasyon na natanggap mula sa regular confidential informant  na biniripika naman ng pulisya .

 

 

Ang suspek ay sangkot din sa  “basag kotse”, illegal drug trades, gun running, at robbery hold-up activities sa area ng Tondo, Manila at kalapit syudad.

 

 

Kakasuhan ng Comprehensive Laws of Firearms and Ammunitions ang suspek matapos makuha sa kanya ang isang Smith and Wesson .357 Magnum revolver na walang serial number at  loaded ng apat na bala.

 

 

Nakuha rin sa suspek ang P500 mark money at booodle money na P3,000. GENE ADSUARA

Other News
  • Ads July 14, 2021

  • Country classification, suspendido simula Pebrero 1

    SIMULA Pebrero 1, 2022 ay suspendido muna ang country classification o ang green, yellow at red classification ng mga bansa, teritoryo at hurisdiksyon     Sinabi ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secetary Karlo Nograles, base ito sa ipinalabas na IATF resolution No. 159.     Sa darating na Pebrero 10 naman ay bubuksan na […]

  • Deployment ng China Coast Guard sa WPS, overkill

    INILARAWAN ng Philippine Coast Guard (PCG) na “overkill” ang deployment ng China  ng ilang China Coast Guard (CCG) at Chinese maritime militia vessels sa Scarborough Shoal (panatag Shoal) sa panahon ng civilian mission na “Atin Ito”.     Nasa 10 CCG vessels, 10 Chinese maritime militia ships at isang people’s Liberation Army  (PLA) vessel ang […]