Lalaki himas-rehas sa panghihipo sa wetpaks ng dalagita
- Published on June 12, 2024
- by @peoplesbalita
REHAS na bakal ang hinihimas ngayon ng 48-anyos na lalaki na dumakma at pumisil sa wetpaks ng isang dalagita matapos siyang maaresto makaraang makahingi ng tulong ang biktima sa kapitbahay nilang pulis sa Caloocan City.
Sa ulat ni P/MSg Marjun Tubongbanua kay P/Col. Nixon Cayaban, hepe ng Valenzuela Police Station, dakong alas-12 ng tanghali nang lumabas ng kanilang bahay ang 15-anyos na dalagita matapos utusan ng kanyang tiyahin na bumili sa kalapit na tindahan sa kanilang lugar sa Brgy. 171, Caloocan City.
Hindi pa nakakalayo ang dalagita nang biglang sumulpot sa kanyang likuran ang suspek na si alyas “Macaraeg” at may pagnanasang dinakma at pinisil umano ang wetpaks ng biktima.
Nang lumingon ang biktima, nakita niya ang mahalay at malisyosong pigura ng suspek kaya sa labis na takot ay nagtatakbo itong umuwi para isumbong sa tiyahin ang kamanyakan ng lalaki.
Ayon pa kay MSg. Tubongbanua, patungo na siya sa Valenzuela Police Station kung saan siya nakatalaga nang masalubong niya ang biktima na nakayapak at nanginginig pa sa takot, kasama ang kanyang tiyahin kaya tinanong niya ang mga ito kung anu ang nangyari.
Matapos namang sabihin ng biktima ang ginawa sa kanya ng suspek at ang itsura saka ang suot nitong damit ay kaagad na tinugis ni MSg. Tubongbanua si ‘Macaraeg’ hanggang makorner, may 100-metro ang layo sa pinangyarihan.
Nanlaban pa at nagtangkang tumakas ang suspek subalit, nagawa siyang padapain ng pulis hanggang tuluyang madakip habang positibo namang kinilala ng biktima si ‘Macaraeg” na siyang nag-manyak sa kanya. (Richard Mesa)
-
Presidentiable Ka Leody ligtas, 4 sugatan sa pamamaril ng ‘private armies’ ng mayor sa Bukidnon
APAT ang sugatan na mga Manobo-Pulangiyon tribe at mga kasamahan ng presidential candidate na si Ka Leody De Guzman sa pamamaril ng mga umano’y private armies ni Quezon, Bukidnon Mayor Pablo Lorenzo III dakong alas-11:30 kaninang umaga sa Barangay Botong, Quezon, Bukidnon, ito ang inihayag ni De Guzman sa panayam. Ayon kay De […]
-
Bukod sa paghakot ng nominasyon sa Gawad Urian: ‘Gensan Punch’ ni Direk BRILLANTE, wagi sa Content Asia Awards 2022
CONGRATULATIONS to Direk Brillante Mendoza para sa kanyang latest accolade. Ang pelikula niyang Gensan Punch, na kwento ng isang boksingero na may polio, ay nagwagi ng Best Asian Feature Film or Telemovie sa Content Asia Awards 2022. Ito ay production ng Warner Bros. Discovery, HBO at Centerstage Productions. Ang Gensan Punch ay […]
-
Canada inaprubahan ang paggamit ng Novavax COVID-19 para sa mga taong may edad 18 pataas
INAPRUBAHAN ng Canada ang Novavax Inc. COVID-19 vaccine para sa mga taong may edad 18 pataas. Ito na ang pang-limang bakuna na gagamitin sa nasbing bansa. Ayon sa Health Canada na wala pa silang datus kung epektibo ba ang nasabing bakuna sa mga may edad 18 pababa. Gumagamit kasi […]